Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PANGULONG MAR ROXAS

$
0
0

sa kantot sulokSI Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na raw ang manok ng Liberal Party sa darating na presidential elections sa 2016.

Ganito talaga sa bayan nating minumuta, este, minumutya. Malayo pa ang okasyon, eleksyon na ang pinag-uusapan.

Hindi ko alam kung ano ang ibubuga ni Roxas sa kanyang mga makakalaban. Pinakain siya ng alikabok noong 2010 ni Vice President Jejomar Binay.

At baka mangudngod na siya sa putik kapag nagbakbakan sila uli. Pampangulo na ang usapan sa 2016. Alam natin na kung bakit siya ang inilagay sa DILG ay para magapang ang mga lokal na opisyal habang maaga.

Okey na sana si Roxas kung hindi sumalakay ang bagyong Yolanda sa Kabisayaan. Nakita ng taumbayan sa Yolanda disaster kung gaano kahinang lider si Roxas.

Napabayaan at hanggang ngayo’y maraming napapabayaan na mga biktima ng bagyo dahil sa pamumulitika ng administrasyon sa pagbibigay ng saklolo.

Okey na rin sana si Roxas kung hindi napakalaking sablay ni PNoy. Ang basbas ni PNoy, kung si Roxas nga ang magiging successor niya, ay maituturing na “kiss of death.”

Kung ako si Roxas, para makabangon ako sa malabangungot na inabot ko, makipaghiwalay na ako kay PNoy. Magsimula ako ng bagong diskarte para sa sasalihang karera sa 2016.

Ang pakiusap ko kay Roxas, ‘wag na niyang gamitin ang slogan na “Tuwid na Daan.”

Ang Tuwid na Daan slogan ng kanyang boss na si PNoy ay isang malaking kalokohan at malaking kabobohan. Alam naman ng lahat na sa Tuwid na Daan ni PNoy, patuloy pa rin ang korapsyon.

***

KINATIGAN ng Korte Suprema ang petisyon ng AMB ALC Holdings and Management Corporation na ilipat sa QC-RTC mula sa Dagupan RTC ang pagdinig sa kaso ng McAdore Hotel property.

Sa resolution ng 1st Division ng Supreme Court, kinatigan ang petisyon ni Benjamin V. Ramos na ilipat ang pagdinig sa kaso.

Inatasan ng SC ang Clerk of Court, RTC Branch 40 ng Dagupan City na i-forward ang mga record ukol sa Special Civil Action No. 2012-0010-D sa Office of the Clerk of Court ng RTC-Quezon City.

Ayon sa AMB ALC, mahihirapan kasi si Judge Mervin Jovito Samadan ng RTC Branch 40 na magbigay ng patas na pagtingin sa kaso dahil sa impluwensya ng administrasyon ng Dagupan.

Sa petisyon, sinabi ng AMB ALC na bilang winning bidder sa public auction ng bentahan ng McAdore Hotel property, nayuyurakan ang karapatan nito sa nasabing ari-arian ng mga isinasagawang hakbang ng administrasyon na ibig bawiin ang nasabing hotel.

The post PANGULONG MAR ROXAS appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>