PORMAL nang isasampa sa Sandiganbayan ang walang piyansang kaso ng “plunder” laban kay Janet Lim-Napoles at sa mga kasabwat nitong sina Sens. Juan “Tanda” Ponce Enrile, Jinggoy “Sexy” Estrada at Ramon “Pogi” Revilla.
‘Yan, parekoy, ang pahayag ng Ombudsman dahil napatunayan umano nila na sabit nga sa pandarambong ang tatlong senador. At d’yan na po magwawakas ang kanilang political career! Hek, hek, hek!
Opps, sandali lang, paano naman ‘yung ibang kongresista na nakipagsabwatan din sa hayop na Napoles? Kailan sila kakasuhan? Ang masakit nito, baka matapos isampa ang kaso sa nabanggit na mga senador ay saka na lang mamimingwit ang Ombudsman mula sa iba pang politiko na nauna nang idinawit. Na sinomang kongresista na hindi iindak sa tugtog ng Palasyo para sa 2016 ay paisa-isang kakasuhan.
O kaya naman ay dahan-dahan na palulusutin ang bawat hihimas sa manok ng LP na si Mar Roxas!
Kung tutuusin, parekoy, magandang kaganapan ito para naman magdahan-dahan na sa pangungulimbat ang hinayupak na mga opisyal ng pamahalaan.
Sana lang ay walang titingnan at tititigan ang Ombudsman. Hala, magnakaw pa kayong mga hijo de-puta kayo!
-o0o-
KUNG pagbabasehan ang operasyon ng iligal na sugal sa Maynila, masasabi natin na itong si MPD Director C/Supt. Rolando Asuncion ay ampaw, malabnaw o walang silbi.
In short, inutil!
‘Wag ka nang umapela, Gen. Asuncion dahil hindi mo maaaring pasubalian ang naglipanang video karera machines ni Gina Gutierrez at “lotteng” ni Boy Abang.
Idagdag pa ang sikat na puwesto ngayon ng sugal sa Bangkusay area sakop ng Stn. 1 ng MPD kung saan nakalatag ang “puwesto pijo” ni Ombeng. Taga-Malabon itong si Ombeng na bata ni Navotas City Mayor Tiangco.
At kaya pala nagyayabang ang animal na hindi siya kayang kalawitin ng Erap boys sa Maynila dahil magkaibigan sina Mayor Erap at Mayor Tiangco. Sina Anna at Perry ay sumisikat na rin bilang may pinakamalaking bookies ng karera sa Maynila na naglipana sa Presinto 1, 3, 7 at 10
Ang palusot naman, parekoy, ng nagpapakilalang “bagman” ni Gen. Asuncion ay wala raw magagawa si director dahil direktang nakatimbre umano ang nasabing gambling lords sa tanggapan ni NCRPO chief Gen. Carmelo Valmoria at CIDG chief Gen. Benjamin Magalong.
Meganun? Ibig sabihin, Gen. Asuncion, sir, naki-umbrella ka na lang ng collection?
Ehek!
Derpor, hangga’t hindi mo napatitigil ang nabanggit na mga sugal ay hindi mo masisisi ang taumbayan kung patuloy ka nilang ituturing na inutil!
O patong! Hak, hak, hak!
The post PLUNDER SA MGA SENADOR; MPD DIRECTOR MALABNAW appeared first on Remate.
