Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ZAMBALES BLUES

$
0
0

Firing Line Robert Roque Jr.SUMULAT ang Marketing Consultant ng Bluemax Tradelink, Inc. na si Paolo Angelo C. Florenda sa kolum na ito upang linawin ang ukol sa serye ng mga kolum na nagbuking sa umano’y iligal na pagmimina at smuggling sa Zambales.

Ayon kay Mr. Florenda, pawang lahar lang at hindi black sand ang hinuhukay ng kompanya mula sa ilog ng Bucao sa Porac, Botolan.

Kalaunan, nag-export na rin ito ng materyales sa mga kliyente sa ibang bansa, na may napakanipis na profit margin. Iginiit din niya na sa ilog lang nag-o-operate ang kompanya, at hindi sa pampang.

Dagdag pa niya, dahil ito ay flood mitigating project ng pamahalaang panlalawigan, libre itong ginagawa ng Bluemax para tulungan ang mga taga-Botolan na mabawi ang nawala sa kanila matapos pumutok ang Mount Pinatubo. Pinopondohan din nito ang mga community development project at maayos ang pagbabayad ng tamang buwis.

Nagprisinta rin si Mr. Florenda ng letter of authority to dredge na pirmado ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane, Jr., isang clearance mula sa Department of Public Works & Highways na may lagda ni Secretary Rogelio Singson, at sertipikasyon mula sa Environment and Natural Resources Office ng probinsya na may pirma ni Benjamin T. Manabat na nagpapahintulot sa Bluemax na mag-extract, maghakot, mag-quarry at mag-export ng “sand and other mineral deposits.”

Pero iba ang ikinuwento sa Firing Line ng ilang residente at lokal na opisyal.
Nanindigan silang blacksand ang hinahakot mula sa pampang ng Porac, pero pinalalabas na hinuhukay ang ilog para palalimin.

Ang nasabing operasyon, anila, ay nagresulta sa pagguho ng pampang at ginawang maburak at maputik ang tubig sa walang habas na pagwawalang-bahala sa pagbibigay-proteksyon sa kalikasan, at nakapeperhuwisyo pa sa kabuhayan ng maliliit na mangingisda.

Giit nila, dapat na may DENR Environmental Compliance Certificate ang nasabing operasyon at hindi basta provincial government permit lang.

Sa katunayan, anila, required pa nga itong kumuha ng barangay permit. Upang mabunyag ang katotohanan, dapat na maglunsad ng imbestigasyon ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno sa mga aktibidad ng maliliit na minahan sa Zambales.

Tungkulin ni DENR Secretary Ramon Paje na tiyaking napangangalagaan at napoprotektahan ang kalikasan; dapat ding alamin ni Bureau of Customs Commissioner John Sevilla kung may customs clearance ang pag-e-export ng minerals ng mga kompanyang ito; trabaho naman ni Department of Justice Secretary Leila de Lima na atasan ang National Bureau of Investigation, at pakilusin ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Henares ang kanyang mga examiner para magsagawa ng lifestyle check sa mga opisyal ng probinsya at ng Botolan, at sa mga may-ari ng lahat ng kompanyang ito upang malaman kung tumatalima nga sila sa ating tax laws.

*              *              *

SA nakalipas na mga taon, inakusahan si Gov. Ebdane ng pag-abuso sa kapangyarihan sa pag-iisyu ng mga small-scale mining permit.

Alinsunod sa batas, tanging ang national government, sa pamamagitan ng DENR, ang maaaring magpahintulot ng pagmimina sa mga mineral reservation.

Once and for all, dapat nang linawin ng gobyerno kung sino ba talaga ang may awtoridad para magpahintulot sa mga small-scale miner na maghakot at magbiyahe ng minerals sa labas ng bansa.

Sa ngayon, habang hindi pa nareresolba ang kontratang ito at ang talamak na pagpupuslit ng high-value goods sa mga daungan sa Zambales (na sunod kong tatalakayin sa kolum na ito), milyon-milyong piso ang nawawalang kita ng gobyerno sa buwis kada buwan. Wala itong ipinag-iba sa PDAF scam. Kung tutuusin, mas matindi pa nga.

Kawawang mga Zambaleño. Kawawang Juan dela Cruz.

*              *              *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

The post ZAMBALES BLUES appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>