Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NAGDILIM NA NAMAN

$
0
0

sibol56NAGDILIM na naman ang kapaligiran noong isang araw dahil sa Earth Hour.

Taon-taong ginugunita ang event na ito, kung saan sabay-sabay na nagpapatay ng ilaw nang isang oras ang mga gustong sumali para ipakita ang suporta sa Earth Hour.

May mga sikat na artista pa ang nakilahok at nagpatay ng mga ilaw para hikayatin ang mga tao na magtipid ng kuryente.

Kung napansin ninyo o kung sumali kayo sa Earth Hour celebration, nagdilim talaga ang kapaligiran. Namatay ang ilan sa mga ilaw ng mga establishment at maging ang mga ilaw sa lansangan.

Maganda ang mensahe ng Earth Hour, isang kampanya para mahikayat ang mga tao sa pagtitipid ng kuryente.

Pero marami ang nagsasabi na PR lang talaga ang Earth Hour dahil ano ba talaga ang ibig-sabihin ng pagtitipid ng kuryente?

Una, kapag sabay-sabay na naman na nagbukas ng ilaw pagkatapos ng isang oras na Earth Hour, hindi ba sisipa ang electricity usage at baka masama ito sa grid at mas magastos pa?

Pero balikan natin ang mensahe ng event – ang pagtitipid ng kuryente. Sino ang nagtitipid at sino ang pinagtitipid?

Sa ating bayan, malawak ang kahirapan at karamihan sa ating mga kababayan ay nagtitipid ng kuryente kahit hindi sabihan. Mahirap sila, wala silang kuryente kaya araw-araw ay Earth Hour, biro pa ng ilan.

Pero ang mga mayaman ay hindi puwede matulog nang walang aircondition. Kumpleto ang ilaw sa bahay dahil takot sa magnanakaw at may mga alarm pa ang mga gate at pintuan.

Lahat halos ng gamit ay pinatatakbo ng kuryente, dahil ito na ang makabagong buhay.

Tandaan na ang yaman ng isang bansa ay galing sa negosyo at ang mga namumuhunan sa Pilipinas ay hindi maaaring magtipid ng kuryente kundi gumagamit ng mas maraming kuryente para lumakas ang kita at para makapagbigay ng hanapbuhay.

Hanga ako sa mga nagsusulong ng Earth Hour. Pero umaasa pa rin ang marami na masosolusyunan ang problema ng kakulangan ng kuryente sa bansa dahil ang reliable na supply ng kuryente ay kailangan sa pag-unlad ng Pilipinas.

The post NAGDILIM NA NAMAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>