Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

RECALL KAY MAYOR LUCILO BAYRON

$
0
0

CHOKEPOINT bong paduaTRENDING ngayon ang Puerto Princesa, hindi dahil sa angkin nitong yaman at ganda kundi sa napapabalitang recall kay Mayor Lucilo Bayron.

Nakalulungkot dahil ngayong summer vacation, panahon ng pasyalan – pagkakataon na magkamal ang lungsod ng kita sa turismo.

‘Di naman kasi lingid sa kaalaman ng madla na ang Puerto Princesa ay mayaman sa magagandang tanawin na lubos na kinagigiliwan.

Dahil sa malinis at kaaya-ayang mga lugar, tulad ng underground river, ‘di lang mga Pinoy, kundi maraming banyagang turista ang bumibisita. Pero dahil nga sa napapabalitang ‘away’ sa pagitan ni Mayor Bayron at ang mga Hagedorn, aba’y ‘di ito maganda para sa lungsod.

Sa bisa ng pagkapanalo sa May 2013 polls, matapos ang mahabang panahon, nagkakaroon ng bagong alkalde ang Puerto Princesa sa katauhan ni Mayor Bayron.

Tinalo ni Mayor Bayron ang maybahay ni dating Mayor Edward Hagedorn na tumakbo sa  pagkasenador, subalit ‘di rin sinuwerte.

Masakit para sa mga matagal na naglingkod na maayos din namang nanungkulan na matalo sa eleksyon, pero ganu’n talaga ang buhay. Lumalabas sa mga ulat na si dating Mayor Hagedorn ang utak sa pagpapa-recall kay Mayor Bayron para ito’y maalis bilang Puerto Princesa mayor.

Sa mga ulat ay pinabulaanan ito ng mga Hagedorn, pero kay Mayor Bayron, naniniwala siyang si ex-Mayor Hagedorn ang utak ng recall. Simula pa lang ang away ng dalawang panig at siguradong lalaki pa ito. Ang tanong natin –  kailan matatapos at saan hahantong ang kanilang sigalot?

Kung sino ang magwawagi at matatalo, panahon lang ang makapagsasabi pero alam kaya nila na habang sila’y nagbabangayan ay ang Puerto Princesa ang tinatamaan.

Dahil sa kanilang away, imbes na milyones na turista ang darating, baka iilan na lang ang bumisita sa kilalang lungsod na ito ng Palawan.

Sa mga nagkakalat na tumataas ang krimen, aber, sino nga naman ang pupunta sa Puerto Princesa kung masama ang peace and order.

Walang kasalanan si Mayor Bayron. Ang tanging dahilan kaya siya pinag-uusapan ngayon ay dahil ibinoto siya noong nakaraang eleksyon.

The post RECALL KAY MAYOR LUCILO BAYRON appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Sapos para colorear


Tagalog Love Quotes – Nagmamahal


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Pokemon para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


“BAHAY KUBO HUGOT”


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>