Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CONDOM vs PROSTITUSYON; PROTESTA PARA KAY RUBIE

$
0
0

_benny antipordaMAG-INGAT na ang mga triggerman na pumatay sa ating kapatid sa propesyon at correspondent ng Remate na si Rubie Garcia.

Ito’y matapos na magprisinta ang kapulisan ng isang posibleng suspek sa krimen.

Nangangahulugan ng aksyon ng kapulisan na marami silang alam na kriminal na gumagala sa Cavite at kaya nilang damputin ang mga ito anomang oras… kung gusto nila.

NABIBILANG NA ANG ORAS NILA

MARAHIL ay nabibilang na ang oras sa mundo ng mga triggerman ni Rubie.

Hindi nila akalain na magugulo ang kanilang buhay sa kanilang ginawa.

Hindi tayo kasi titigil, mga Bro, na habulin ang lahat ng mga sangkot sa kanyang pagkamatay.

Mula sa triggermen hanggang sa kanilang “sir” na tinawagan nila sa cellphone sa mga oras at araw na tinitiktikan hanggang sa mapaslang si Rubie.

Marahil, ang kanilang “sir” o “mga sir” ang kikitil na rin mismo sa kanilang buhay upang ganap na maitago ang kanilang krimen.

SUMUKO NA

KAYA naman, kung isa ako sa mga triggerman, susuko na lang ako.

Kung hindi sa mga pulis, mismo sa National Press Club. Sa NPC, kaya namin silang bigyan ng proteksyon basta ituro nila ang tunay na utak sa pagpaslang kay Rubie.

Kung walang konsensya kasi ang utak o mga utak sa pagpaslang sa isang babae, wala rin silang konsensya para burahin ora mismo ang buhay ng kanilang mga inutusang pumaslang kay Rubie.

MARAMING GUN-FOR-HIRE

TEKA nga pala, bulong-bulungan sa Cavite na maraming gumagalang gun-for-hire rito.

At ‘yung suspek nga na iprinisinta ng kapulisan sa mga testigo sa krimen ay pinaniniwalaang isang gun-for-hire. Muli, masasabi nating maraming kilala ang mga pulis na gun-for-hire.

Pero isang malaking katanungan kung bakit wala tayong nababalitaan na dinarakip ang mga pulis na miyembro ng mga ito.

Sino-sino ba ang may alaga sa mga ito at hindi sila dinarakip ng mga pulis?

Hindi natin sinasabi na may alaga ang mga pulis o ang mga politiko o ang kanilang mga kumpare at kaibigan na druglord at iba pa.

Pero kinatatakutan ang mga naglipanang gun-for-hire sa lalawigang nabanggit, mga Bro. Magtanong pa kayo sa mga ordinaryong mamamayan diyan.

SINA-SALVAGE BANTAYAN

ANG isang posibilidad nga ay itutumba o ipatutumba nina “sir” ang mga triggerman.

O kaya ay palalayasin sa malayong lugar o ibalik sa selda o pagsuutin ng uniporme ang mga triggerman.

Kung itutumba ang mga ito at hindi susunugin o ililibing nang walang nakaaalam ang mga ito at iiwan ang bangkay ng mga ito na nakatiwangwang kahit saan, aba, mabuting makita ang pagmumukha ng mga ito.

Dead man tells no tale, ika nga sa taong patay. Hindi na makapagtuturo pa ng utak sa krimen ang isang patay.

KATARUNGAN PATAY NA

ANG layunin sa pag-salvage sa mga triggerman ay patahimikin ang mga ito.

Kung napatahimik na ang mga ito, libre na sa anomang krimen ang mga kasama ng mga ito. Lalong libre sa krimen ang utak o sinomang kasabwat nito.

“Yun bang === patay na rin ang katarungan.

At magpapatuloy na buhay-malaya ang mga utak ng krimen hanggang sa may pagkakataong manira muli sila ng buhay at pagkaitan ng kinabukasan ang mga maiiwang pamilya ng mga ito.

BLACK PROTEST

MISMONG sa araw na ito, inaanyayahan ang lahat na nagmamalasakit kay Rubie na samahan siya sa isang Black Protest laban sa karahasan.

Ang labang ito ay hindi lang para sa kalayaan sa pamamahayag. Laban din ito sa karahasan sa mga kababaihan.

Laban din ito para sa katarungan sa mga katulad ni Rubie na walang awang pinaslang at sa mga naulila ng biktimang katulad niya.

Laban din ito sa tila kawalan na ng pamahalaan ng pagmamalasakit sa mediamen at maliliit na biktima ng krimen kumpara sa ginagawa nito sa mga kaaway nito sa pulitika.

Sa Lunes, isasagawa ang Black Protest na dadalhin natin sa mga lansangan hanggang sa pintuan ng Malakanyang at pintuan ng mga nagpapatay at pumatay sa kanya.

PAGPUPUGAY

ISA na ring pagpupugay kay Rubie ang Black Protest.

Sa kabila ng kanyang kasarian bilang babae, nagpakita ito sa mga mamamahayag at mamamayan ng paggampan ng tungkulin nang may buong katapatan at kasigasigan.

Isa siyang ehemplo sa hanay ng mga mamamahayag na may paninindigan laban sa maruming lipunan.

Ang pagtitiwala sa kanya bilang pangulo ng samahan ng mediamen sa CALABARZON, ang Confederation of Active Media Practitioners Organization ay palatandaan dito.

May mga pagkukulang o pagkakamali man siya bilang tao, hindi sapat ang mga ito para kitilan siya ng buhay ng mga demonyong murderer.

CONDOM vs PROSTITUSYON

NGA pala, tingnan ninyo ang bunga ng kapabayaan ng pamahalaan sa mga ordinaryong mamamayan, mga Bro.

Sumasabog ang balitang kumakalat ang prostitusyon at sakit sa sex sa mga biktima ng giyera sa Zamboanga City.

Libo-libo pa ang mga nasa evacuation centers at dito nagmumula ang pagsasamantala sa mga kababaihan.

Nagiging sex den pa mismo ang ilang tent sa lugar. Pero ang pangunahing sagot ng gobyerno rito…CONDOM.

Anak ng tokwa, CONDOM ang sagot ng gobyerno sa gutom at paghihirap ng mga mamamayan?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

The post CONDOM vs PROSTITUSYON; PROTESTA PARA KAY RUBIE appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>