IPINAABOT ni Dr. James G. Dy, President of the Philippine Chinese Charitable Association, Inc. (PCCAI), may-ari at nagpapatakbo ng Chinese General Hospital and Medical Center (CGHMC), ipinagkaloob niya ang nasabing tulong kay Mr. Co Guan Tiong, isang kaanib ng firefighter Txtfire Philippine Foundation, Inc.
Siya ay nagkaroon ng jaw fracture, ng siya ay rumesponde sa isang sunog sa Macapagal noong nakaraang March 21, 2014.
Ang Txtfire Philippine Foundation, Inc. na pinamumunuan ni Presidente Gerry Chua, aka Ube King, ay pumasok sa isang MOA kasama ang Chinese General Hospital and Medical Center mula pa nang taong 2010.
Sa katunayan, ito ang unang pagkakataon na sila ay nag-avail ng naturang medical benefits. Para sa probisyon sa pagkakaroon ng libreng medical services para sa mga nasa on-duty fire fighter members, na nasasaktan sa panahon ng kanilang trabaho.
Si Mr. Co ay agarang isinugod sa Chinese General Hospital and Medical Center sa pakikipagtulungan ni Dr. Robert Sy, Associate Medical Director, na siyang pangunahing dapat lapitang otoridad para sa ganitong mga pangyayari.
Ang sumunod, ay ang kanyang operasyon na ginampanan ni Dr. Fred Leh, ENT specialist.
Siya ngayon ay nagpapagaling sa kasalukuyan, ang lahat ng gastusin sa ospital pati na ang doctor’s at professional fees ay ipinagkaloob lahat ng CGHMC.
Nagpasalamat si Mr. Co Guan Tiong kasama ang kanilang opisyales ng Text Fire Foundation, Inc. kay Dr. James Dy at sa iba pang opisyales ng CGHMC.
Ipagpapatuloy ni Dr. James Dy ang udyok na makapagbigay ng tulong. Siya rin, ang governor ng Philippine Red Cross (PRC).
Ang isa pang magandang serbisyo ng Chinese General Hospital and Medical Center ay ang “Dr. James Dy Wound Healing and Diabetic Foot Center” na nakapagbigay ng napakalaking tulong at lunas sa mga pasyente na may malalang sugat at hindi na gumagaling.
The post DR. JAMES G. DY STRETCH OUT TO TXT FIREFIGHTER appeared first on Remate.