Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

REKLAMO vs TOWING SA LUNGSOD NG MAYNILA

$
0
0

CHOKEPOINT bong paduaDUMARAMI ang nagrereklamo sa towing operation (kuno) sa mga sasakyan sa Maynila na brainchild idea raw ni Vice Mayor Isko Moreno.

Ang aking brother sa Couples for Christ – si Nilo Taghap – ng Potrero, Malabon ay isa sa nagrereklamo at kasama sa mahabang listahan na hindi kumporme sa nangyayaring ganito sa lungsod ni Mayor Erap.

Nakaparada ang kanyang motorsiklo sa harap ng Yale Hardware sa Recto nang biglang kinuha ng mga tauhan ng dumating na towing truck.

Katwiran ni Brod. Nilo, maayos ang parada ng kanyang motor habang hinihintay ang binili sa Yale hardware nang biglang binuhat at isakay sa towing truck.

Bago lumisan ang towing truck dala ang kanyang motorsiklo, nagbitaw raw ang isa sa tow helpers ng “utos ito ni Mayor Isko,” sabay talilis.

Maaangas at bastos din daw ang mga tauhan ng nasabing towing firm sa pag-akto ng kanilang trabaho – kung totoo nga na ligal ang kanilang panghihila ng sasakyan.

Para makuha ang motorsiklo, pinagbayad siya ng P1,500.

Hindi maganda sa mata ng madla ang kaliwa’t kanang towing activities sa Maynila. Kasiraan ninyo ‘yan, Mayor Erap at VM Isko.

Marami ang nagtiwalang Manilenyo para kayo’y maging Ama at pangalawang Ama ng Maynila, pero ang isinusukli niyo’y walang kuwentang paglilingkod. Tahasan nating sinasabi na sa panahon ni Erap, naging magulo ang Maynila. Patunay ay ang sangkatutak na reklamo.

Dahil kung maayos lang na nagsisilbi sina Erap at Isko, aba’y wala tayong maririnig na pagmumura at walang nagagalit na madla. Kung nakamamatay lang ang mura, sa dami ng nagmumurang biktima ng ‘di makatwirang towing operation, aba’y baka pinaglalamayan na ngayon ang mga tauhan ng towing firm na ‘yan.

Sa totoo lang, sumobra na ang galit ng publiko dahil sa !@#$%^&*()_+ towing operation na ‘yan sa Maynila.

Mayor Erap, VM Isko, nasasalaula na ang Maynila, ‘di n’yo ba nararamdaman?

The post REKLAMO vs TOWING SA LUNGSOD NG MAYNILA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014


Lagarto para colorear


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES