SIMULA nang itinalagang consultant on Police Affairs ng Manila City Hall itong si Mr. Kalinisan ay nagkagulo na naman ang hanay ng pulisya ng Manila Police District (MPD).
Iba kasing klaseng consultant si Mr. Kalinisan dahil pati ‘yung “tabakuhan” sa Maynila (‘yun bang konting pinagkakakitaan ng mga pulis) ay gustong panghimasukan nito ganung hindi naman niya trabaho ito.
Kung inyong matatandaan, itong si Mr. Kalinisan ay ito rin ‘yung dating aso ni ex-Mayor Fred Lim na sinibak dahil din sa pakikialam nito at panghihimasok sa gawain ng mga pulis at heto na naman sa panahon ni Mayor Erap Estrada ay nanggugulo uli.
Ayon sa mga naasar na pulis, gusto raw ni Mr. Kalinisan na i-centralize o lagom ang pagkuha ng lingguhang intelihensya mula sa mga iligalista.
Balak ni Mr. Kalinisan na ang kanyang departamento lang ang siyang mangongolekta ng lingguhang intelihensya sa mga iligal na pasugalan, sauna, vendor at iba pang mga vice sa Maynila.
Ang siste, ayon kay Mr. Kalinisan, ay papartihan na lamang nila ang mga presinto sa kanilang mga makokolektang intelihensya.
Ang inatasan n’yang intelihensyador sa mga iligalista ay si SPO4 Gaa. Grrrabe naman…
CIDG, NCRPO AT MPD ANG PADRINO NINA PERRY, ANA
BOOKIES ng karera nina Perry at Ana ay patuloy na namamayagpag mula sa mga presinto gaya ng PS1, PS3, PS7 at PS10 ng Manila Police District (MPD).
Halos nasa 150 na ang puwesto ng mag-partner na ito at sila na ‘yung itinuturing na pinakamalaking bangka ng bookies ng karera sa Maynila.
Ipinagmamalaki nina Perry at Ana na malakas sila kay CIDG chief Gen. Benjamin Magalong, NCRPO chief Gen. Carmelo Valmoria at MPD Dir. Gen. Rolly Asuncion kaya hindi matibag ang bookies ng karera nito.
MATIBAY ANG TUPADA NI KAP. MARASIGAN
HINDI pa rin nabubuwag ang patupadahan ni Kap. Marasigan sa Sitio Piit, Brgy. Pinamukan Silangan, Batangas City.
Paano, laging ipinagmamalaki si Region-4 RD Gen. Jesus Gatchalian.
o0o
Anomang mga reklamo o puna ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com
The post CONSULTANT NA PAKIALAMERO PATI PULIS PINAKIKIALAMAN appeared first on Remate.
