Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GOBYERNONG PNOY INUTIL SA 24 MEDIA KILLINGS

$
0
0

_benny antipordaKAHAPON, inihatid sa kandungan ng Maylikha ng lahat si Rubie Garcia ng kanyang mga mahal sa buhay, kaibigan, kapitbahay, mga kasamahan niya sa media at marami pang iba.

Nauna rito, binigyan siya ng Luksang Parangal sa mismong Tulay ng Kalayaan sa Mendiola sa harap ng Malakanyang.

Dinatnan natin ang pintuang bakal ng Malakanyang na todo sarado at naging simbolo ng pagsasara ng tainga at pagtatakip ng mata ng pamahalaan sa panawagan ng mediamen at taumbayan para sa katarungan sa mga walang habas na pinapaslang sa ating lipunan.

HINDI LAMANG PARA KAY RUBIE

NAKASENTRO kay kasamang Rubie ang Luksang Parangal na naganap kahapon.

Ngunit kasama na rin nating pinarangalan ang mga nauna pang nagbuwis ng kanilang buhay para sa taumbayan, partikular sa buhay-mamamahayag.

Sa pamamagitan ng kamatayan ng ating mga kasamahan, napakasakit at napakapait man, nagiging matingkad na matingkad ang pakikipaglaban natin sa ilan sa pinakamahahalagang karapatan ng mga mamamayan.

Ang karapatang mabuhay at karapatan para sa malayang pamamahayag at media.

KAMATAYAN SA PNOY ADMIN

HINDI natin isinasantabi ang higit na nakararaming pinaslang na mediamen sa nakaraang mga administrasyon, kabilang na ang mga kaawa-awang biktima ng Ampatuan massacre.

Ngunit nais lang nating idiin ang mga pamamaslang sa panahon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Nagkaroon tayo ng pag-asa na mabibigyang katarungan ang lahat ng mga pinaslang sa kanyang pag-upo. Ngunit kabaliktaran sa ating inaasahan, sa kanyang panahon naman natin nararamdaman ang bangis ni kamatayan sa ating mediamen.

MGA PINASLANG

NARITO mga Bro, ang mga pinaslang sa panahon ni PNoy at napakasakit isiping parami nang parami ang bilang ng mga ito.

1.  Miguel “Mike” Belen, dwEB-FM, reporter, July 31, 2010, Nabua, Camarines Sur
2. Gerardo “Doc Gerry” Ortega, dwAR, anchor, January 24, 2011, Puerto Princesa City, Palawan
3. Niel Jimena, dyRI, blocktimer, August 22, 2011, Magalona, Negros Occidental
4. Aldion Layao, dxRP, blocktimer, April 8, 2012, Davao City
5. Christopher Guarin, Tatak News, publisher, January 5, 2012, General Santos City
6. Nestor Libaton, dxHM, anchor, May 8, 2012, Mati City, Davao Oriental
7. Bonifacio Loreto, Jr., Aksyon Ngayon, publisher, columnist, July 30, 2013, Quezon City
8. Richard Kho, Aksyon Ngayon, staff member, columnist, July 30, 2013, Quezon City
9. Edgardo “Edgar” Adajar, Hot FM 101.5, blocktimer, January 2, 2013, San Pablo City, Laguna
10. Cirillo Gallardo, dwWW Spirit 96.9 FM/DJ, newscaster, February 1, 2011, Bangued, Abra
11. Roy Quijada Gallega, dxDa, dxSF, dxJM, blocktimer, October 14, 2011, Lianga, Surigao del Sur
12. Alfredo “Dodong” Velarde, Jr., Brigada News, circulation manager, November 11, 2011, General Santos City
13. Antonio Silagon, Bohol Balita Daily News, publisher, December 15, 2011, Trinidad City, Bohol
14. Mario Vendiola Baylosis, 101.7FM Radyo Natin, announcer, April 22, 2013, Kabasalan, Zamboanga Sibugay
15. Rommel Palma, Bombo Radyo Koronadal, April 30, 2012, Koronadal City, South Cotabato
16. Miguelito “Mike” Rueras, dyDD El-Nuevo Bantay Radyo, correspondent, June 2, 2013, Pio V. Corpus town, Masbate
17. Mario Sy, Sapol News Bulletin, photojournalist, August 1, 2013, General Santos City
18. Fernando “Nanding” Solijon, dxLS Love Radio 107.1, commentator, August 29, 2013, Iligan City
19. Vergel Bico, Kalahi, editor, publisher, September 4, 2013, Calapan City, Oriental Mindoro
20. Jesus “Jessie” Tabanao, dyRC Cebu 648, anchor, September 14, 2013, Cebu City
21. Marlina Flores Sumera, dzme, anchor, March 24, 2011, Malabon City
22. Romeo Olera, dwEB-FM, anchor, June 13, 2011, Iriga City, Camarines Sur
23. Julius Cauzo, dw684, anchor, commentator, November 8, 2012, Cabanatuan City, Nueva Ecija
24. Rubylita Garcia, Remate, reporter, April 6, 2014, Bacoor, Cavite

MONUMENTO AT TUWID NA DAAN

INILABAS natin ang listahang ito sa ating kolum bilang monumento at pagpupugay sa ating mga kasamahan sa propesyon na walang habas na pinaslang simula nang umupo ang Tuwid na Daan.

Ang Tuwid na Daan pala ay puno ng kamatayan para sa mediamen at ganap na pagdurog sa kalayaan sa pamamahayag at media.

At talaga namang nakapagtataka na wala tayong naririnig na pagpupursige ng mga nasa kapangyarihan, upang maituwid ang Liko-Liko at Bako-Bakong Daan ng Matuwid na Daan.

HALOS BOKYA

HANGGANG ngayon, halos bokya ang gobyernong PNoy sa paglutas sa mga pamamaslang.

Sa 24 na media killing, nasa 4-6 lang ang nakaabot sa korte, ilan ang inaamag sa Department of Justice habang blangko ito sa nakararaming kaso.

Dahil dito, ganu’n na lamang ang kalayaan ng mga mamamatay-tao na kumitil ng buhay.

Hanggang kailan ba talaga magkakaroon ng liwanag sa mga usaping ito na labis na nagpapadilim sa buhay ng mga mamamahayag?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

The post GOBYERNONG PNOY INUTIL SA 24 MEDIA KILLINGS appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>