Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SEC. DE LIMA PAKANTAHIN AT RIZAL PD TAHIMIK SA SUGAL

$
0
0

burdado-jun-briones2SABIHIN mo ang mga pangalan ng nasa listahan o itikom mo ‘yang bibig mo!

‘Yan, parekoy, ang ganting-bigwas ni House Speaker Sonny Belmonte sa naunang pahayag ni dating Senador Ping Lacson kaugnay ng listahang inilabas ni Napoles na kanya umanong mga kasabwat sa pagkulimbat sa kaban ng bayan!

Matatandaan na ang nasabing listahan ay naglalaman umano ng mga pangalan ng mga dati at kasalukuyang senador at kongresista. Kaya nga, kung tutuusin ay tungkulin ng Senate President at House Speaker na alamin ang detalye at ilahad ang mga pangalang nasa listahan, upang maprotektahan ang integridad ng Kongreso!

Pero ang tanging ginawa ni Sen. Drilon ay nagpatawag ng presscon para lang sabihing hindi siya kasama sa listahan. Bakit, sir, nasilip mo na ba ang listahan? Si Rep. Belmonte naman ay paasik pa ang dating ng pagsabi kay Lacson na ilahad ang mga pangalang sangkot.

Kung talagang hindi sangkot sa pangungulimbat itong dalawang lider ng Kongreso, bakit hindi nila atasan ang blue ribbon committee na magpatawag ng pagdinig at doon ay ipatawag si Sec. Leila de Lima? At doon ay pilitin siyang ilutang ang “mahimalang listahan.” Peryud!

o0o

ALAM ng mga taga-Rizal na hindi madaling lipulin ang iligal na sugal sa kanilang lalawigan, dahil mismong ang sikat na gambling lord na si Sola ang pumuputak na regular ang kanyang “weekly payola” sa mga COP, lalo na ang para sa tanggapan ng provincial director.

Kaya nga ipinararating natin kay PD S/Supt. Bernabe Balba na nakahandang maghintay at magmanman ang mga taga-Rizal hanggang sa tuluyang mabigyang pansin ng Provincial Command ang problema ng iligal na sugal.

Kung kalian ito magaganap at kung talagang may tsansa pa na matuldukan ito, tanging si PD ang nakaaalam!

Ang siste, parekoy, paanong aasa ang mga residente na wawakasan na nga ni Col. Balba ang maliligayang araw ni Sola gayong malaki ang hatag nito? Eh, kung ‘yun ngang mga pergalan ay pinaghaharimuhanan ng nagpapakilalang collector ng PD, si Sola pa kaya?

Ang mga pergalan nina Delma, Toyang, Arnold pilay at Bobby na nasa Montalban, Binangonan at Ibasan ay namumulaklak pa rin tuwing gabi. Lalo na ang pergalan ni Arnold sa gate 2, Cogeo at Pagrai, Antipolo (palengke).

Ngayon Kernel, magtapatan nga tayo, may aasahan pa ba ang mga taga-Rizal na hakbang mo laban sa iligal na sugal? Kailan mo sisimulan?

O nasalat mo na rin ang lingguhang “parating” para sa opisina mo?

The post SEC. DE LIMA PAKANTAHIN AT RIZAL PD TAHIMIK SA SUGAL appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>