BIGYAN na muna natin ng puwang sa espasyong ito ang kalunos-lunos na sinapit ng welder na nagtatrabaho sa kompanya ng HANJIN SHIPYARD sa Sitio Agusuhin Brgy. Cawag, Subic, Zambales na pag-aari ng mga dayuhang Koreano.
Apat na taon nang welder ng Hanjin Shipyard si Ryan Gaccus nang siya ay mamatay.
Nagfi-fit up siya ng barko nang may biglang sumabog sa gawing likuran nito.
Sa kasamaang palad ay namatay si Gaccus dahil sa tinamo nitong 3rd degree burn sa pagsabog ng kanilang ginagamit na acetylene at ang CO2 (carbon dioxide) sa paggawa ng barko sa shipyard.
Bilang isang welder ay sumasahod lamang ng P365 a day si Ryan na may tatlong anak at nangungupahan lamang sa isang barong-barong sa San Pablo St., Castillejos, Zambales.
Ang masakit ay ayaw tulungan ng mga tarantadong Koreano na may-ari ng kompanyang Hanjin Shipyard ang biktimang si Mang Ryan.
Ang gusto pang palabasin ng mga animal na ito, eh, aksidente lang ang nangyari at may pagkukulang daw ang biktima kaya ito ay nasabugan.
Aba’y, mga animal pala ang mga tarantadong ito…!
Namatay si Mang Ryan sa loob ng Hanjin Shipyard site habang siya ay nagwe-welding pagkatapos sasabihin ninyo na aksidente at ang may pagkukulang ay ang biktima!
Anong uri kayong tao, mga tarantadong Koreano?
Tangna n’yo, he..he..he!
Paging: DOLE Sec. Rosalinda Baldoz. Pakitulungan naman n’yo ang biktima!!!
BOOKIES SA MANILA TULOY-TULOY
PATULOY ang operasyon ng bookies ng karera nina Perry at Ana sa Maynila.
Hindi tumitigil sa pagbu-bookies sina Perry at Ana kahit “No take Policy” ang pinaiiral ng MPD dahil si CIDG chief Gen. Ben Magalong ang pinapadrino.
o0o
Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo.com.
The post WELDER NASABUGAN SA HANJIN; TULUNGAN N’YO, TANG NA N’YO appeared first on Remate.