Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HINDI TWITTER ANG KAILANGAN NG PNP

$
0
0

BIGWAS_Gil-BugaoisanNATAWA naman ako sa balitang nagbukas na raw ng “hotline” Twitter account itong Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng liderato ni Director General Alan Purisima, ang itinuturing na pinakawalang-kwentang hepe ng PNP sa buong kasaysayan ng ating kapulisan.

Sa totoo lang maganda naman sana talaga itong pagkakaroon ng Twitter account itong PNP.

Ang social media sites na gaya ng Twitter ay napakagandang kasangkapan upang mabigyan ng tamang impormasyon ang ating mga kababayan.

Ang problema, kahit ilang Twitter at Facebook accounts ang bubuksan ng PNP upang magsilbing tulay nito sa ating mga kababayan, walang silbi ang mga ito kung ang hepe mismo ay manhid at walang pakialam.

Eh, kung ang ating mga kasamahan nga sa media na gustong makipagdayalogo sa kanya hinggil sa walang patid na media killings ay dinededma nitong si Purisima, ano pa kaya ang maaasahan ng ating mga ordinaryong mga mamamayan na gusto magdulog ng kanilang mga problema?

Ano ang maasahan natin sa isang opisyal ng pamahaaan na sarado ang isip at tila tinubuan na ng sandamukal na kulog ang butas ng tainga?

Sa ngayon, hindi Twitter ang kailangan ng PNP upang maibalik ang tiwala ng mga mamamayan sa ating kapulisan.

Ang kailangan ng PNP ay isang hepeng marunong magmalasakit at marunong tumanggap ng mga suhestyon na makabubuti sa sambayanan.

Ang problema ngayon ng PNP ay mismong si Purisima at hangga’t nakaupo ang kumag na ito ay patuloy na kahiya-hiya ang ating pambansang kapulisan.

Hangga’t itong si Purisima ang nakaupo ay patuloy ang pagtaas ng krimen sa Pilipinas dahil maliban sa napakabatugan nito, hindi pa siya nirerespeto maging ng kanyang mga sariling tauhan.

Saan ka naman nakakita ng hepe ng PNP na kung bakbakan sa media ng kanyang sariling mga kasamahan ay tila wala itong karapatang maging pulis?

Anong say mo rito, Senior Superintendent Conrad Capa?

Magkakaroon lamang ng saysay ang mga ganitong Twitter account sa mga ahensiya ng pamahalaan na gaya ng PNP kung ang taumbayan ay may respeto sa ating buong kapulisan.

Dahil kung ‘yang Twitter account ng PNP na ‘yan ay bubuksan sa ilalim ng pamumuno ni Purisima, hindi na ako magtataka kung mapupuno ito ng mga mura at mga komento ng mga taong galit na galit sa kanya.

***
Para sa inyong komento at suhestyon, mag-email lamang sa gil.bugaoisan@gmail.com.

The post HINDI TWITTER ANG KAILANGAN NG PNP appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>