Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KAPITAN ANGELIKA DELA CRUZ

$
0
0

CHOKEPOINT bong paduaSA taglay na popularidad dahil siya’y ‘certified’ na mahusay na movie at television entertainer, kilalang-kilala si Angelika dela Cruz.

Sa rami na ng natanggap na award bilang aktres, isa si Angelika sa mabibilang sa daliri na maipagmamalaki ng TV at movie industry.

Dumaan at lumipas man ang maraming taon, ‘di mawawaglit ang isang ‘Angelika dela Cruz’ sa isipan ng maraming Juan at Maria.

Pero, bukod sa pagiging mahusay na TV at movie actress, unti-unti ring gumagawa ng pangalan si Angelika sa larangan ng kawanggawa.

Lingid sa kabatiran ng milyon-milyon niyang tagahanga, si Angelika ay kapitana o chairwoman ng Barangay Longos sa Malabon.

Kasama ang Saturday Club basketball team, noong Mayo 10 ay napadako ang inyong lingkod sa Brgy. Longos Hall Complex.

Doon ay inabutan natin ang kapitana na pinangungunahan ang pag-aayos ng kapaligiran ng 2,000-square meter brgy. compound.

Sa dalawang oras na paglalaro ng basketball at maiksing pamamalagi namin sa Longos complex ay nakadama ako ng kasiyahan.

Dahil pakiwari ko, wala ako sa maingay na Metro Manila at naroon ako sa tahimik na lalawigan na luntian ang natutunghayan.

Kaiba sa marami kong nabisita at nakitang brgy. hall complex, ang kapaligiran ng Brgy. Longos Hall ay malinis at maayos.

Inikot din tayo ni RJ (Rey John), liaison officer ng pamahalaang barangay, at nabatid natin ang kakaibang pagbabago ng Longos.

Isa sa nakatawag ng ating pansin ang nagkalat na CCTV cameras na naka-monitor sa mga nangyayaring kaganapan sa kapaligiran.

Sa aking maiksing pakikipag-usap din kay Kap. Angelika, ‘di ko maiwasang maalala ang kanyang magaling na tatay – si Kap. Ernie.

Si Kap. Ernie ay kapitan ng Longos sa nakaraang huling termino hanggang magdesisyon na magpahinga at pinalitan ni Angelika.

Maganda ang pangarap ni Kap. Ernie para sa Longos na masidhing ipinagpapatuloy ni Kapitan Angelika, ayon kay RJ.

Masuwerte ang mga residente ng Brgy. Longos dahil may lider silang tunay na naglilingkod sa katauhan ni Kapitan Angelika dela Cruz.

The post KAPITAN ANGELIKA DELA CRUZ appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>