Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KARAPATAN NG BATA

$
0
0

sibol5ISANG panawagan ang kumalat sa internet kamakailan, para sa isang job opening sa isang trabaho na tinawag na “pinakamahirap na trabaho” sa buong mundo.

Ayon sa mga nagpasimuno sa nasabing “job advertisement” marami ang nag-click sa online ad pero konti lang ang nagtanong talaga tungkol sa nasabing job opening.

Akalain mo nga naman na ang hinahap nila ay ang papatol sa “pinakamahirap na trabaho sa buong mundo.”

Mas nagulat pa ang ilang nag-inquire na tinawagan para sa “interview” dahil ang trabaho ay 24/7, walang bakasyon at magtatrabaho kahit lunch at coffee break.

Napaka-challenging ng trabaho, ayon sa mga nag-interview sa mga online na aplikante.

Kailangan daw ang dedikasyon at palagian na nasa tabi ka at sumusuporta sa iyong boss sa nasabing trabaho. Hindi ka raw puwedeng magreklamo at dapat na laging matalas ang iyong pag-iisip dahil kailangan ng talino at malasakit ang nasabing trabaho.

Hindi makapaniwala ang ilang na-interview, may iba na halos galit na dahil mukhang lokohan nga ang nasabing job opening na formal interview pa sa online ang ginawa.

Ang tanong ng mga na-interview: Anong klaseng trabaho ‘yan, hindi makatao at iligal na pagtrato sa sinomang mapipili?

At mas nanlaki ang kanilang mata nang sabihin na walang suweldo ang nasabing trabaho.

Bago pa sila nakapag-react violently at puputulin na ang nasabing online interview, tinanong sila ng interviewee kung gusto nilang malaman kung sino ang kasalukuyang nagtatrabaho sa nasabing posisyon.

Dahil curious sila kung sino ang nagpapaloko sa ganoong klase ng trabaho – na pinakamahirap sa mundo, walang bakasyon, todo dedikasyon ang kailangan at higit sa lahat ay walang sweldo – ang tanong nila “sino ang mga kasalukuyang nagtatrabaho ng ganito?

Ang sagot – mga ina. Napagtanto na ang job ad ay isang online prank para sa selebrasyon ng Mother’s Day.

Hindi na nakuhang magalit ng mga na-interview.

Bagkus, lahat sila, lalaki at babae, ay naluha.

Tama. Ang ating mga nanay ang nagtatrabaho ng pinakamahirap na trabaho sa mundo, puno ng dedikasyon, 24/7 ang duty walang break, walang sweldo.

Happy Mothers’ Day.

The post KARAPATAN NG BATA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Inggit Quotes and Kabit Quotes – Tagalog Patama Quotes


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


5 Tagalog Relationship Rules


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.5.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>