Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LISTAHAN NI NAPOLES, NATIONAL SECURITY? HINDOT N’YO!

$
0
0

baletodoMASYADO na tayong ginagago ng mga barkada ni Pangulong Benigno Aquino III. Itong huli, ay tungkol sa listahan daw ni pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles dudurog hindi lang sa tatlong senador na idinidiin kundi lahat halos sa Kongreso.

Una si Justiis Secretary Leila De Lima ang nagsabi na hawak na niya ang listahan ni Napoles na nagtuturo sa sandamakmak na miyembro ng Senado at Kamara na nakinabang din sa pork barrel.
Mayroon daw kasama na cabinet officials ni Aquino at ilang personalidad sa media. Mahigit nang isang buwan, ayaw pa rin ilabas ni De Lima ang listahan para malaman ng bayan kung sino-sino ang kriminal na lumaspag sa pera ng mamamayan!

Si dating senador at ngayon ay rehab czar ni Aquino, mayroon din daw hawak na kopya ng testimonya ni Napoles. Humirit din si Sandra Cam na kesyo ipapapatay pa daw siya ni Senate President Franklin Drilon?

Mga hindot ninyo! Puro kayo kuwento na akala ninyo kayo’y mga artista ng telenobela. Ano ang katwiran ninyo na itago ang listahan ni Napoles kung totoo ang laman niyan? Sa ngalan ng national interest, kailangan ng ilabas na ninyo ang Napoles list at huwag gawing gago ang mamamayan.

Matindi dito ay ang sinasabi ni Ping Lacson na magkakaproblema daw ang pambansang seguridad  kapag inilabas ang kumpletong detalye ng Napolist? Anak kayo ng timawang gutom. Dahil ba ang mga sangkot ay kaalyado ng rehimeng Aquino na mauubos sa sandaling mabisto ang totoo?

Bakit kapag kalaban ninyo sa pulitika, halos baliktarin ninyo ang bituka nila? Ngayon na sinasabi ng listahan na karamihan sa mga buwitre’t buwaya na nakinabang sa nakakalulang laki ng pork barrel scam ay sangkot kayo, biglang may problema na sa national security? Hindot ninyo!

Bakit ba tila napakahirap ilabas ng listahan na iyan ni Napoles? Noong nakadiin lang ay sina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile,Senador Jinggoy Estrada at Bong Revilla ay nagpipista kayo sa tila walang katapusan na interbyu sa media. Nagyayabang kayo na sa ilalim ng rehimen ni Aquino ay hindi makakalusot ang korapsyon. Ngayon na kayo ang itinuturo ng Napoles list, umuusok ang puwit ninyo?

Mr. Aquino, kung may natitira pa kayong kahihiyan bilang lider ng bansa, huwag mong pagtakpan ang iyong mga kapartido’t kakosa sa Malacañang. Ikaw mismo ang magpakita ng magandang halimbawa batay sa iyong ipinagyayabang na Matuwid na Daan. Ipalabas mo na  kay De Lima ang listahan sa pork barrel scam!

The post LISTAHAN NI NAPOLES, NATIONAL SECURITY? HINDOT N’YO! appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>