Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PERYAHAN AT ANOMALYA NG GLOBAL SA SUBIC (2)

$
0
0

ito-ang-totoo-colored3LEGAL Affairs mismo ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang nagsabi na ang kontrata ng Global Terminals & Development, Inc. (GTDI o Global) ay konsesyon kaya dapat dumaan sa “bidding” tulad ng sa Subic Enerzone sa kuryente at Subic Water sa tubig.

Ito Ang Totoo: ang posisyon ng Legal Affairs ay isa sa mga batayan ng Seaport Department para tutulan ang pakikipag-kontrata sa Global na tahasang nagkakontrol hindi lamang sa mga gusali sa dating Ship Repair Facility (SRF) ng US Navy kundi pati sa tatlong pier na Alava, Rivera at Bravo.

Hindi pinansin ng dating SBMA Board sa pangunguna ni Feliciano Salonga at Armand Arreza ang oposisyon na pirmado ng mga noo’y opisyal ng Seaport na sina Perfecto Pascual, Ulysses Edejer, Jerome Marinez, Fidel dela Cruz, Atty. Michael Quintos at Alex Rapsing.

Ayon pa sa mga kumontra sa naturang kontrata dahil agrabyado ang gobyerno, paglabag sa batas R.A. 9184 ang award sa Global dahil wala naman itong karanasan at hindi eksperto sa pagpapatakbo ng mga pier.

Ngayon, ang mga pumapasok sa mahigit 14 ektaryang SRF compound ay sinisingil pa raw Global ng “toll fee” o “road users tax.”

Global na rin ang nagpapaupa sa mga gusali at pasilidad na iniwan ng mga Amerikano na kahit P7.50/sqm. lang ang upa nito sa SBMA, naniningil naman sa mga nagsa-sublease ng humigit-kumulang P1,600/sqm.

Abangan ang susunod pa nating mga paglalantad kung paano inabuso ang bilyon-bilyong halaga ng ari-arian ng SBMA sa pakikipag-kontrata nito sa Global.

***

LIMANG ektarya halos ang inookupahan sa loob ng Subic FreePort ng peryahan ng isang Ricky Quiroz na nagbubukas lamang mula Oktubre hanggang Enero taon-taon.

Ito Ang Totoo: ilang beses na rin itong nahuhuli na nagpapasugal kahit sa mga bata pero ang mga kinauukulan, lalo na ang mga pulis ng Camp Olivas, Pampanga, parang wala lang matapos magkaroon umano ng usapan.

Ang SBMA Board naman, parang nagbubulag-bulagan kahit ang lupang inookupahan ng peryahan ay nasasayang lang dahil may mga negosyong nais sana itong upahan. Baka pagdaka ay maaalimpungatan na lang ang mga kinauukulan kapag sila na ay nakasuhan, sige lang.

Ito Ang Totoo!

The post PERYAHAN AT ANOMALYA NG GLOBAL SA SUBIC (2) appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>