Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PEKE

$
0
0

MALALANTAD sa unang araw ng kampanya sa February 12 ang mga pagkakaiba ng koalisyon ng administrasyon na Team PNoy sa oposisyong United Nationalist Alliance (UNA).

Sa pahayag sa media ng acting president ng Liberal Party na si Transportation Secretary Joseph E.A. Abaya, kanyang sinabi na importanteng malaman ng mga botante kung alin sa Team Pnoy at UNA ang totoong naghahain ng mga solusyon sa malalaking problema ng ating bansa.

Sinabi ni Secretary Abaya na gagawing lahat ng koalisyon ng administrasyon para maibunyag sa mamamayang Filipino ang mga pagpapanggap ng UNA. Isa rito ang pagtawag ng UNA sa kanilang hanay na “constructive opposition.”

Ipinaliwanag ni Secretary Abaya na ang paggamit ng UNA sa terminong “constructive opposition” ay maituturing na Orwellian o mga salitang walang saysay na panlito lamang sa mga tao.

Ang totoo, sabi ni Secretary Abaya, gusto lamang makiangkas ng UNA sa pakpak ni Pangulong Noynoy Aquino na nananatiling mataas ang trust ratings ng publiko simula nang umupo bilang Punong Ehekutibo noong June 2010.

“We want to make it clear as black and white, and avoid areas of confusion. It will be clearer to the people if the color is black and white,” ani Secretray Abaya sa report ng Inquirer kamakailan.

Iba ang “daang matuwid” ni Pangulong Aquino at ng Team PNoy sa landas na gustong tahakin ng UNA. Bahala sila kung saan nila gustong pumunta. Kung gusto nila ay mag-round trip pa sila pero sana walang libreng sakay, aniya.

Hinamon ng liderato ng LP ang UNA na linawin sa mga botante kung sino talaga sila at ano ang kanilang alternatibo sa pamamahala ni Pangulong Aquino.

Ang Team PNoy ni Pangulong Aquino ay naninindigan para sa good governance, paglaban sa kahirapan at paglago ng ekonomiya.

Hintayin ang pagdagundong ng Team PNoy para sa mga Pinoy.

***

Para sa mga suhestiyon, reaksiyon, at komento, pumunta sa aking website na www.sonnyangara.com, aking FB account na www.facebook.com/sonnyangara, at aking Twitter account na @sonnyangara.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>