Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BODABIL AT TSUBIBO NINA NAPOLES, EPEKTIB

$
0
0

baletodoNAGLALABASAN na ang iba’t ibang listahan ng mga sangkot na mambabatas sa Senado at Kamara. Kasama rin sa listahan ni pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles ang mga opisyal ng ehekutibo, at totoo nga ba na may mga kilala at sikat din mula sa media?

Wala tayong paki sa mga listahan na iyan kung totoo o peke. Ang nakikita natin ay sistematikong kilos ng kampo ni Mrs. Napoles para guluhin ang pansitan ng estado. Akala ko nga matatalino ang mga nakaupo sa puwesto – Ehekutibo man o Kongreso, hindi pala!

Si Justice Secretary Leila de Lima ang unang nagpapaputok ng binansagang NAPOLIST. Sinundan siya ni rehab czar Ping Lacson kasunod ang pagsulpot ni whistleblower Sandra Cam. Nag-uunahan silang magpaliwanag at magbulgar sa media pero sa huli, hindi matukoy kung huwad o tunay ang Napolist.

Hawak ni De Lima ang listahan na bigay daw mismo ni Napoles matapos ang limang oras na tsikahan nilang dalawa.

Ang hawak naman ni Ping Lacson, mula sa kanyang PMA mistah Jimmy Napoles na asawa ni Aling Janet. Wow naman.

Iba pa ang hawak ni Cam na ewan kung kaninong asset niya nakuha. Epektib ang tsubibo’t bodabil ni JLN! Dahil sa NAPOLIST na iyan, nagbabangayan na ang mga sangkot sa anomalya ng PDAF at DAP.

Hindi pa kasama riyan ang Ruby Tuason Malampaya scam, ha. Tanong lang, bakit kayo-kayo lang ang nag-aaway-away habang si dear Janet ay nagpapasarap sa kanyang ospital?

Dito ko nakita na mahusay ang mediaman o public relations attack dog ni Napoles. Bakit hindi? Ang akusado nagpapalamig sa kanyang kwarto samantalang ang nag-aaway-away ang mga personalidad ng Kongreso. Bakit po?

Sa mga oras na ito, siguro tawa ng tawa sina Janet, Jimmy at mga totoong kakutsaba nila sa katiwalian ng PDAF, DAP at Malampaya.

Nagawa nilang pasakayin sa TSUBIBO at pasayawin ng BODABIL ang mga mambabatas at opisyal ng rehimen ni Noynoy Aquino.

Tama na ang sobrang pag-aalaga kay Napoles. Tama na ang sobrang proteksyon sa kanya. Iharap siya sa tunay na Husgado at hindi sa Senado para magkaalaman na kung ano ang totoo at sino-sino ang mga pinayaman niyang mga mambabatas at mga kauri sa ehekutibo!

Sa nakikita ng taumbayan sa inyong mga magugulong mambabatas, kayo-kayo walang duda ay pawang mga sangkot sa trabaho ng demonyo!

Sige, ituloy ninyo ang indak ng BODABIL at pagsakay sa TSUBIBO ni Napoles!

The post BODABIL AT TSUBIBO NINA NAPOLES, EPEKTIB appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>