Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

‘DI PAPAYAG NA 3 ITLOG LANG; DAPAT NANG USIGIN LAHAT

$
0
0

benny-antiporda9SA paglabas ng iba’t ibang listahan ng mga abusado at magnanakaw sa Palasyo, Senado, Kamara, ahensya ng pambansang pamahalaan at lokal na pamahalaan, dapat na simulan kaagad ang mga imbestigasyon.

Pinakamaganda na daanin muna ang lahat sa Kongreso sa pamamamagitan ng joint o pinagsamang imbestigasyon o kung hindi pupuwede ay sa hiwalay na imbestigasyon ng Senado at Kamara.

Pupuwede ring lumikha kaagad ang pamahalaan ng isang komisyon para sa imbestigasyon.

Ang pinakamahalaga sa lahat dito ay gawing bukas sa publiko ang imbestigasyon. ‘Yun bang === sa harapan ng mga mamamayan na gustong dumalo at bukas sa lahat ng media.

MATINONG BATAS KAILANGAN

IN aid of legislation ang dapat na gabay sa pag-iimbestiga ng Kongreso, gaya ng nararapat.

Saka na lang ang pagsilip kung may pananagutang kriminal ang mga sangkot na karaniwan namang ginagawa ng mga mambabatas.

Kung bakit kailangan ang congressional investigation ay dahil sa pagkakasangkot ng napakaraming ahensya ng pamahalaan sa iskam mula sa Palasyo at mga ahensya nito, Kongreso, lokal na pamahalaan at tila madadamay pa ang mga hukuman, kabilang na mismo ang Sandiganbayan.

Hindi ba may bata-bata si Napoles na hukom mismo riyan sa Sandiganbayan?

Kailangan natin ang matinong batas na pipigil sa malawakan at grabeng sabwatan sa paggawa ng mga krimen laban sa buong bayan.

Buong bayan sapagkat kasali rito ang mga buwis na ibinabayad ng lahat ng mamamayan at buong bayan ang pineperhuwisyo ng mga anak ng tipaklong na opisyal.

SAKA NA LANG ANG OMBUDSMAN

SAKA na lang eentra ang imbestigasyon ng Department of Justice at Ombudsman.

Ang dahilan, mga Bro?

Anak ng tokwa, kung ang mga ito ang mag-iimbestiga, wala nang mababalitaan pa ang mga mamamayan.

Isasara nila ang kanilang mga pintuan at bintana sa mata ng publiko.

Ito’y sa katwirang hindi sila dapat na maimpluwensyahan ng public opinion sa paggawa ng mga imbestigasyon at resolusyon.

Isa pa, aabutin ang lahat ng siyam-siyam hanggang sa magiging kaduda-duda na ang lahat ng resulta ng gawa ng mga ito.

Sampol na lang dito ang pinaggagawa ng DoJ mismo sa listahan ni Napoles.

Kung hindi pa nalunod ang buong pamahalaan sa boses ng mga mamamayan para sa paglalabas ng listahan, ginusto pa ng DoJ na itago ito nang matagal.

Para umano sa kaukulang imbestigasyon at paghahagilap ng mga ebidensya kung sangkot o hindi ang mga nasa listahan.

Eh, sino kasi ang naniniwalang hindi magkakaroon ng dagdag-bawas sa listahan, aber, kung patatagalin ang hindi paglalabas nito?

MAMAMAYAN HINDI TANGA

UNA nga pala, hindi dapat na magpatumpik-tumpik ang Senado sa pagbubukas nito ng imbestigasyon sa iskam.

Ito’y sa harap ng tahasang pagsasara ng Kamara ng sarili nitong imbestigasyon nito.

Palibhasa, kung magsasagawa ang Kamara ng kahit sarili nitong imbestigasyon, mauungkat ang katotohanan na nasa 100-200 na kongresman ang sangkot sa Napoles scam at iba pang scam.

Sa oras na hindi mag-iimbestiga ang Senado, tao na ang magagalit at magkakaroon na ng hindi tiyak na kinabukasan ang mahal kong Pinas.

Huwag nilang maliitin ang sambayanan na kung ilang beses nang nag-alsa laban mismo sa pamahalaan. Sariwa pa at buhay na buhay ang mga pag-aalsang EDSA.

Ito ang dapat na pakatatandaan ng mga kinauukulan.

Hindi tanga ang mga mamamayan para gawin lang silang laruan o paglalalangan.

Sangkatutak na ang hindi kumbinsido sa bisa ng Tuwid na Daan at hindi dapat ipagkatiwala rito ang kinabukasan ng malawakan at grabeng paglustay at pagnanakaw sa kaban ng bayan at panloloko sa mga mamamaan.

BAKIT KAMING TATLO LANG?

HINDI natin kinakampihan si Senador Jinggoy Estrada sa kanyang laging katanungan na, “Bakit kaming tatlo lang (Manong Johnny at Bong Revilla)?

Pero, this time, ay malaman na at hindi lang gustong mandamay si Sen. Jinggoy.
Kailangan na talagang buksan sa publiko ang pagkakasangkot ng nasa 25 na senador, daang kongresman, taga-Palasyo at taga-lokal na pamahalaan.

Kailangan ng 15 nasasangkot na incumbent senator na magpaliwanag sa publiko. Maging ang 10 ex-senator.

At maging ang sinasabi ni rehab czar Ping Lacson na malaking-malaki ngunit nakapagtatakang hindi isinama sa kanyang listahan at listahan ni Napoles.

Dahil idinamay ito sa database ni Benhur Luy, dapat na talagang magpaliwanag ito.

HUWAG SILANG KANLUNGIN

ANG Palasyo naman ay hindi nito dapat na kanlungin ang nasasangkot na Palace officials.

Sakaling magkaroon ng Senate investigation, dapat nitong payagan na humarap ang mga taga-Palasyo at mausisa ukol sa kanilang mga pagkakasangkot sa iskam.

Nandoon na tayo na maituturing na inosente silang mga taga-Palasyo sa anomang bintang na krimen hangga’t hindi sila napatutunayang nagkasala ng hukuman.

Pero dapat na humarap ang mga ito sa publiko at ilabas nila ang kanilang mga posisyon para ang sambayanan na ang humusga sa kanilang pagkainosente.

O Senator TG Guingona, huwag kang pabubuli sa mga kapwa mong senador.

Tumawag ka na ng imbestigasyon at huwag iraan sa executive session ang imbestigasyon.

Kung hindi…alam mona!

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

The post ‘DI PAPAYAG NA 3 ITLOG LANG; DAPAT NANG USIGIN LAHAT appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>