Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

A MOTHER’S HEART

$
0
0

LABIS na pagmamahal sa pamilya at pangarap na mabigyan ng mas maginhawang buhay ang kanyang mga anak ang nagtulak sa isang Pinay upang iwan ang pagiging designer at maging caregiver sa Amerika.

Husay at galing sa pagguhit, kasabay ng malikhaing isipan, ang naging katuwang ni Tess Dulay, sa kanyang karera bilang isang designer noong siya’y nasa Pilipinas pa.

Bagama’t maayos ang kanyang trabaho, nagdesisyon si Tess na lisanin ang bansa nang magsara ang restaurant na pinapasukan ng kanyang asawa.

Ayon sa kanya, hindi sapat ang kanyang kinikita upang matustusan ang apat niyang anak, na noong mga panahong iyon ay puro nagsisipag-aral.

Para sa kanya, higit na malaki ang kikitain niyang dolyar sa Amerika kumpara sa kikitain niya sa Pilipinas, kaya naman nakipagsapalaran siya sa ibayong dagat.

Nakarating si Tess sa San Francisco, USA, kung saan ay naging isa siyang caregiver.

“Marami akong pinasukan, nag-caregiver ako, nagtrabaho sa restaurant, and after working sa restaurant, nag-caregiver ulit ako,” kuwento niya.

Pumasok din sa ilang parttime job si Tess. “Meron kasing tumatawag na kailangan ang maglilinis ng bahay. Mga part-time job. Pasok lang ako kahit anong trabaho.

Naglinis ako ng bahay, naglinis ako ng CR na ikinaiiyak ko. Hindi ko naranasan ito sa Pilipinas, dito naranasan ko. Para lang sa mga anak ko, ginagawa ko ang lahat ng ito,” salaysay pa niya.

Kasabay ng hirap ng katawan na tinitiis niya ay ang labis niyang pangungulila sa pamilyang naiwan dito sa Pinas. “Pinakamasakit talaga sa akin ang malayo sa mga anak ko, ‘yun ang pinakamatinding sakripisyong ginagawa ko,” saad niya.

Araw-araw na tawag, text, sulat at mga litrato ang ipinadadala sa kanya ng pamilya, ang naging pampuno ni Tess sa labis na kalungkutan at kahungkagan na kanyang nadarama.

Para sa kanya higit na mahalaga ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak, kaya handa niyang tiisin ang lahat ng pagsubok na kinahaharap niya sa nasabing bansa.

“Tingin ko, pag nagpapadala ako monthly, parang napupunan ko na rin ang pagkukulang ko sa mga anak ko bilang isang ina,” paliwanag niya.

Sa kasalukuyan, marami pa ring ina na gaya ni Tess na handang mangibang bayan at suungin ang hirap at lungkot, upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya.

Subalit sa likod ng bawat dolyares na kanilang kinikita, sa puso nila’y matinding pangungulila ang kanilang nadarama.

Kaya naman, hindi dapat sayangin at ipawalang halaga ng bawat isa ang sakripisyo at pagmamahal ng isang ina – ito ay nararapat suklian ng pagpapahalaga.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi.

Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>