Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANG KALIHIM

$
0
0

sibol5MULI ay nabinbin sa Commission on Appointment (CA) ang kumpirmasyon ni Ramon Paje para maging Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Napakarami ang isyu ng DENR, at hindi talaga madali na hawakan ang ahensyang ito.

Ayon sa balita, si Senator Sergio Osmeña raw ang pangunahing kumuwestyon sa huling CA hearing para sa kumpirmasyon ni Paje.

Maraming tanong ang senador tungkol sa “greening program” na kampanya ng DENR na hindi nasagot nang kumpleto at nanghihingi pa si Osmeña ng karagdagang impormasyon kaya muli ay nausog ang kumpirmasyon ni Paje bilang Kalihim.

Isa sa malaking isyu na hinaharap ng DENR ay ang mining tulad ng sa Zambales.

Isinulat na natin ang mga higanteng minahan doon na nagpatag ng bundok para lang sa kanilang operasyon.

Ang sabi ni Paje, ayon sa balita, ay under protest daw ang kaso at nasa korte kaya hindi pa nasosolusyunan.

Kamakailan ay nakatanggap tayo ng petisyon mula sa mga residente ng Zambales tungkol sa hinaing nila laban sa mga malalaking minahan sa probinsya.

Ang petisyon ay galing sa “Peoples of Sta. Cruz, Zambales” at sila ay nanghihingi ng hustisya.

Nakasaad sa nasabing petisyon ang sinasabing mga masasamang epekto ng pagmimina sa Zambales – nasisirang mga bundok at pinanggagalingan ng tubig; nauudlot na mga ani mula sa pananim, nasisirang mga palay at iba pa.

Ayon pa sa petisyon, nasisira ang kayamanang kultural sa probinsya ng Zambales at nailalagay raw sa panganib ang kanilang kalusugan at kaligtasan at ang lahat ay dahil sa iresponsableng pagmimina sa Zambales.

Hindi dapat balewalain ang reklamo ng mga taga-Zambales laban sa pagmimina, matitindi ang sinasabi nila na masasamang epekto nito sa mga tao at sa buong lalawigan.

Ito ang isa sa pinakamatitinding hamon kay Sec. Ramon Paje.

Nakaatang sa kanyang mga kamay ang pangangalaga ng kalikasan at ang pagtatanggol sa mga taong nadaramay dahil sa pagkasira ng kalikasan dahil sa pagmimina ng mga malalaking korporasyon.

Bago maging ganap na Kalihim si Paje ay dapat niyang maresolba ang conflict sa mga mining communities sa Zambales.

The post ANG KALIHIM appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tropa Quotes


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>