Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PNP NAMUMURO NA SA AK47 AT LINTEK NA PPP NI PNOY

$
0
0

burdado-jun-briones24HINDI na kataka-taka, parekoy, kung sentro ngayon ng kontrobersiya ang Philippine National Police dahil sa alingasngas na may 19 personnel nito, kabilang ang limang heneral, ang sangkot sa paglaho ng 1,000 unit ng AK47.

Bakit ka n’yo? Eh, sadya namang maraming kinasasangkutan ang pulisya….mula sa police station may mga ulat na pati barya ay hindi pinatatawad ng mga pulis na utak talangka.

‘Yan ay ayon mismo sa record ng pulisya!

Eto ang istorya. May 1,000 unit ng AK47 (mataas na kalibre ng baril) ang naglaho sa PNP at nadiskubre ng Philippine Army na ang mga nawawalang baril ay hawak ng mga rebelde.

Huwattt!!!! Armas ng estado mapupunta sa kalaban ng gobyerno? Ano ito parekoy, lokohan?

King Ina!!!!….kaya naman pala marami ang nalalagas na sundalo, eh, maraming armas ang kalaban.

Napakasakit para sa mga kawal na malamang ang mga armas ng kalaban ay galing pala mismo sa pamahalaan? King-ina talaga!!!

Ang higit na nakaririmarim ay ang ulat na limang heneral ang sangkot sa kahayupang ito! Mga hijo-de puta kayo! Sana lang may patutunguhan sakaling kasuhan itong limang heneral para hindi na maulit ang nasabing anomaly!

Ang hirap lang kasi, parekoy, sandamakmak na opisyal ng pamahalaan ang nakakasuhan sa iba’t ibang katarantaduhan pero halos lahat ay naglalaho na lamang na parang bula! Pwe!

PPP (PROGRAMANG PAMPAPOGI) II

ISA sa hindi natin tatantanan na isyu ang proyekto para sa pag-upgrade ng LRT at MRT na ayon sa ating mga opisyal ay pang-masa. Pang-masa talaga dahil sa hirap na sumakay!

Isipin na lang ang pagod sa pila, pagpanhik, siksikang pasahero at madalas na aberya . . . na masasabing dahilan ng matinding pagkakasakit ng riding public.

Ilan na ba ang hinimatay dahil sa pagod na pumanik sa MRT/LRT?

Bukod pa ito sa kalusugan ng mga pasahero na nagsisiksikan na maaaring magkahawaan ng ubo, sipon at kuto!

Maging ng “anghit!” Hak, hak, hak!

Marami ring escalator/elevator ang hindi gumagana kaya naman walang magagawa pati ang erderly, buntis at may kapansanan na gamitin ang hagdan na lalong magpapalala ng kanilang sakit.

Sana mapukaw ang damdamin ng ating opisyal na bigyan solusyon ang nasabing hinaing ng masa!

Katarantaduhang sabihin na maraming opsyon sa pagbiyahe sa metro gaya ng bus o kaya ay bumili ng sasakyan!

‘Yan ba, parekoy, ang hatid ng letseng Public-Private Partnership nitong administrasyon ni PNoy?

Hayop talaga ‘yang lintek na tuwad na daan! Pwe!

The post PNP NAMUMURO NA SA AK47 AT LINTEK NA PPP NI PNOY appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>