Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

12% PATONG SA KONTRATA

$
0
0

HINDI ako makapaniwala sa mga negatibong ulat na dumarating sa ating kaalaman tungkol sa kasalukuyang liderato ni Mayor Bistek Bautista.

Tumataginting daw na 12 porsiyento ang kinakaltas ng isang mataas na opisyal ng Quezon City government sa mga kontratista.

Parang mahirap paniwalaan, pero bakit naman kailangang umiyak ang maraming contractor at supplier kung sila’y ‘di nasasaktan na kay sir.

Bukod kasi sa 12% na kinakaltas ng mataas na opisyal, may ilang porsiyento pa na kinakaltas naman ng ilang korap na QC official.

Dahil sa rami ng kaltas na umaabot na raw ng halos 50%, wala nang kikitain si contractor at supplier na namuhunan para sana kumita.

Hindi raw katulad noong panahon ni dating mayor na ngayo’y Speaker of the House Sonny Belmonte, ang ‘cut’ ay napakaliit lamang.

Dahil minimal lang ang kaltas, ang mga contractor at supplier noong si Belmonte ay happy dahil sila’y kumikita, kahit karampot lang.

Isang mataas na opisyal, anila, ng City Hall na kilala sa pag-handle ng salapi ang nasa likod ng kaltasan ng malalaking porsiyento.

Mabuti pala at walang naglakas-loob na kumandidatong alkalde sa QC, kundi ay baka pulutin sa kangkungan si Mayor Herbert.

Ang tanong natin eh, alam kaya ni Bistek ang nangyayaring ito sa City Hall?

WA-EPEK ANG UTOS NI RECOM

Tila, walang epekto ang utos ni Mayor Recom Echiverri na pagbabawal sa lahat ng uri ng sugal sa lungsod ng Caloocan.

Sinasabi natin ito dahil patuloy pa rin ang operasyon ng salot na video karera sa Bagong Barrio, lalong-lalo na sa Zapote Street.

Ang masama, ang mga vk den sa nasabing mga lugar, isa rito ay sa bahay ng isang Bartolo, ay lugar din ng shabu session.

Dahil patuloy ang operasyon ng sugal, pakiwari natin eh hindi na sinusunod ng pulisya ng Caloocan ang utos ni Recom.

Mayor Recom, ikaw yata’y sinusubukan.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>