Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ANG PABAHAY NG AJEM AT NI ELMER MALLORGA

$
0
0

Bantay-OCW111NAPAPLANO pa lang na mag-abroad ang isang OFW, ang pagkakaroon ng sariling bahay ang pangunahin sa mga nais niyang maipundar.

Big deal talaga ang pagmamay-ari ng tahanan para sa pamilyang OFW. Dahil ito aniya ang magpapaalala sa kanila ng kanilang pinagpaguran sa ibayong dagat.

Tulad na lang ng pagpupursige ng mag-asawang Juanillo (Jun) at Ning Martinez. Pitong taon nang nagtatrabaho bilang foreman si Jun sa construction company sa Saudi Arabia.

May ahenteng nag-alok sa kanila dala ang magandang brochure at flyer, kaya naengganyo silang kumuha sa AJEM Properties & Development Corporation ni Elmer Mallorca, na presidente nito, at may opisina sa Unit E, 2/F Orange Bldg., 310 Zabarte Road, Bgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City.

Palibhasa’y takot ding maloko, kaya nagsaliksik pa nga raw sila sa naturang project ng Ajem. Tiningnan nila ang mga litrato nito sa Facebook.

Napili nila ang isang House & Lot na may contract price na P1.35 million at matatagpuan sa Mystical Rosa Villa sa Brixtonville, Camarin, Caloocan City.

Nagbigay sila ng reservation fee na P20,000 noong April 2012 at buwanang hinulugan ng P10,000 mula May 2012-Sept. 2012. P10K noong Nov. 2012 at 15K noong January 2013.

Noong February 2013 pinuntahan nila ang naturang site at nagulat na lamang sila na wala pang naitatayo ang AJEM.

Doon sila nagdesisyon na umurong na lamang at hiniling na ibalik ang kanilang salaping naibayad dahil hindi nga ito tumugon sa kanilang kasunduan.

Sa kabuuang halagang naihulog, pumayag na nga silang bawasin ang reservation fee na kaya inaasahan nilang isasauli ni Elmer Mallorca ang P55,000 noon pang Mayo 2013, ayon na rin sa promissory note na pinirmahan nito, kasama ng isang Edwin Sicat, bilang witness. Gayong ang kuwenta namin, P95,000 ang buong halagang naibigay nila.

Mula noon puro pangako na lamang aniya ang binibitawan ni Mallorca sa kanila.

Noong November 2013, muling pinuntahan ng mag-asawa ang naturang site, ngunit wala pa ring bahay na naitatayo. Pati aniya opisina sa Novaliches, nagsara na rin.

Nitong March 2014, nagpadala ng mensahe ang Bantay OCW kay Mallorca sa pamamagitan ng SMS.
Ipinasasauli natin ang buong halagang naihulog ng mag-asawang Martinez.

Ang text niya noong March 21, 2014/2:15 PM “Ok copy, I will refund her money once my fund was released that I expected this coming second week of April”.

Muli natin siyang tinanong kung anong eksaktong petsa sa April ang kanyang pangako. Sabi niya noong April 8, 2014/ 2:54 PM: “After Holy Week pa.” Inulit ng Bantay OCW kung anong petsa. Sagot niya: “April 30.”

Mula March 21 hanggang April 30, nangako siya na isasauli ang pera ng mga Martinez.

Nagpaasa, nagpahintay lamang ito ngunit hindi tumupad si Mallorca sa perang ipinasasauli sa kanya.
Perang pinaghirapan ng ating OFW sa ilalim ng mainit na sikat ng araw, nang mainit na klima tulad ng Saudi Arabia.

Matapang pa si Mallorcaa nang matawagan ng Bantay OCW. Sabi niya wala siyang nilolokong tao at hindi siya natatakot kahit saan siya isumbong ng mga Martinez.

Iyon naman pala! Wala naman pala siyang nilolokong tao??? Bakit may nagrereklamo? Bakit hindi niya natupad ang pangakong bahay? Bakit ipinababalik ang pera nila na hindi niya maisauli kahit halagang P75,000 lamang?

Nasaan ang opisina? Bakit nagsara?

Kapag tinatawagan ang mga telepono nila, not yet in service ang 419-1625 at incorrect naman daw ang 417-7255. Ano ang correct number, Mr. Mallorca?

Sa pagkakaalam ‘anya ng mag-asawa, marami pa silang pinaasa ni Mallorca sa mga project nitong hindi naman niya naitayo.

Kung sino man ang may reklamo sa AJEM maaari po kayong magtungo sa Bantay OCW upang pormal ninyong maisampa ang inyong reklamo sa tanggapan ni Vice President Jejomar Binay na siyang housing czar at Presidential Adviser on OFW Concerns, pati na rin sa HLURB (Housing and Land Use Regulatory Board).
Abangan ang susunod na kabanata!

***
Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Inquirer Radio dzIQ 990 AM Address: 2/F MRP Bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad St., Makati City Lunes – Biyernes, 10:30 am 12:00 noon, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0927499870

 

 

The post ANG PABAHAY NG AJEM AT NI ELMER MALLORGA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>