Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BUWIS SA DROGA AT PROSTITUSYON

$
0
0

_benny antipordaSINASABING bagsak o mahina ang ekonomiya ng European Union na binubuo ng 28 bansa. Kabilang sa mga bagsak ang Spain at Greece.

Kaya naman naghahanap ang EU ng mga negosyong gusto nilang patawan ng buwis.

‘Yang droga at prostitusyon ang nasilip nila na isa sa  mga dapat patawan ng buwis.

P143.6 TRILYON

SA tantiya ng EU, umaabot sa P143.6 trilyon ang halaga ng droga at prostitusyon, batay sa palitang 1 euro sa P60.

Malayong mas malaki ang halagang ito sa kakapurit na pambansang badyet ng mahal kong Pinas ngayong 2014 na P2.265 trilyon.

Mas malaki rin sa nasa P20 trilyong gross domestic product o kabuuang halaga ng lahat ng produkto at serbisyo na nagawa o naitayo sa Pinas.

Sa Britain lang, nagkakahalaga ang droga at putahan sa P722 bilyon.

Dahil sa laki ng halaga ng droga at putahan sa EU at bagsak o mahinang ekonomiya nito, balak ngayong buwisan ang mga ito.

Pero alalahaning marami sa mga bansang ito ang nagtuturing sa droga at putahan na ligal at hindi katulad sa Pinas na iligal ang mga ito.

Gayunman, hindi malinaw kung kasama ang mga iligal na droga at putahan sa kwenta ng EU at kung kasama sa kanilang sisingilan ng buwis ang mga sangkot sa kailigalan sa droga at putahan.

PAG-ASA NG EU

SABI ng mga taga-Europa, aangat at makahinga-hinga sila nang maluwag sa krisis sa ekonomiya kung makasisingil sila ng buwis sa droga at putahan.

Sa laki ba naman ng halaga ng mga industriyang ito.

Ibig-sabihin, lolobo ang salapi ng bawat pamahalaan sa Europa at mas may kakayahan ang mga ito na maghatid ng serbisyo publiko sa kani-kanilang mga mamamayan.

Magkakaroon sila ng dagdag na pondo para sa edukasyon, kalusugan, gawaing bayan, kapulisan at militar, hukuman, pagkain, panlaban sa kalamidad at marami pang iba.

Magkakaroon din sila ng dagdag na pondo para tulungan ang ibang mga bansa na sinasalanta ng kalamidad at krimen, gaya ng Pinas.

DROGA SA PINAS

MALABO ang rekord ng droga at prostitusyon sa Pinas.

Pero tinatayang nasa P200B-P600 bilyon ang droga lamang sa Pinas.

Lalo ngayong ginagawa na ang Pinas na daluyan sa international trade sa droga at nakikisosyo na ang mga sindikato ng droga sa Pinas sa mga malalaking sindikato ng droga sa iba’t ibang bansa, gaya ng mga nasa Mexico.

Natutuklasan ito sa mga pagsalakay ng Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang mga awtoridad sa iba’t ibang laboratoryo ng droga na naitatayo sa Pinas.

Sa Metro Manila lang, nasa 8 porsyento lang ng lahat ng mga barangay ang hindi napapasok ng droga.

PROSTITUSYON

HINDI naman matantiya ang halaga ng prostitusyon pero nababahala na ang Department of Health sa mabilis na paglaganap ng human immuno virus-acquired immune deficiency syndrome.

Pero tiyak na malaki rin ang halaga ng putahan dito.

Sa prostitusyon sa mga kalsada at maliliit na putahan sa Metro Manila, nasa P300-P500 hanggang sa P2,000-P5,000 ang isang putok o isang gabing putukan.

Maraming ulat na pabalik-balik hanggang nakakalima-nakakasampu ang isang prosti na pumasok sa mga quickie na motel sa Metro Manila.

Karamihan dito ang kababaihan.

Sa mga high class na lugar ng prostitusyon sa Pinas, napag-alaman mismo ng Remate sa isang pagsisiyasat na sa isang putok ni manoy, minimum na P10,000 ang gastos.

Umaabot naman sa P12,000-P50,000 ang isang magdamag na putukan.

Pero ispesyal na putok ang galing sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan at mayayamang Pinoy.

Minimum ang P100,000 sa isang gabing giyera sa kama.

Noong may base militar pa ang mga Kano sa Pinas, umaabot sa 100,000 ang mga kababaihang prosti sa Subic Naval Base at Clarki Airforce Base.

Gaano karami ngayon ang sangkot sa prostitusyon sa Pinas kung isasama pati ang mga matatagpuan sa sari-saring tourist spots sa bansa?

Sabi sa mga rekord ng Human Trafficking in the Philippines, naglalaro sa 500,000-800,000 ang nagbebenta ng aliw sa Pinas, kasama na ang mga sinasalanta ng mga kalamidad.

BUWIS SA PINAS

ISANG katanungan sa mga awtoridad sa Pinas: may balak din ba ang mga ito na maningil ng buwis sa mga sangkot sa droga at prostitusyon, gaya ng balakin ng European Union?

May malaking problema nga lang dito, mga Bro.

Iligal ang droga at prostitusyon sa Pinas kaya mahihirapan ang gobyerno na tumantiya ng sisingilin nitong buwis.

Marami naman ang nakukumpiskang droga at nahuhuling druglord, pusher at user, gayundin ang mga sangkot sa prostitusyon.

Pero paano sisingilin ng buwis ang mga ito?

Partikular ang mga high class at nasa tourist spot na sangkot sa prostitusyon?

May naniningil ng mukhang buwis pero pawang kailigalan.

Pambabangketa ang tawag dito: libre sa kaso kung maglalagay ang mga nahuli at magpapadyug ang mga kababaihan sa mga nanghuhuli.

Anak ng tokwa!

ESEP-ESEP

MAGANDANG mag-esep-esep ang mga awtoridad kung paano pagkakitaan ang mga industriyang ito.

Pero hindi dapat na perahin na lang ang kinabu-kasan ng Pinas at dangal ng mga Pinoy at Pinay.

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

The post BUWIS SA DROGA AT PROSTITUSYON appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>