Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WALANG BANDILANG PINAS SA JEEPNEY, BUS, TRIKE

$
0
0

burdado-jun-briones2NAGTAKA lang ako na walang gaanong mga dyipni, traysikel, kuliglig, de-padyak at bus ang nagwagayway ng mga bandila bago at sa araw ng Pambansang Kalayaan nitong Hunyo 12.

Parang katulad ang sitwasyong ito sa mga nagdaang Kapaskuhan na hindi na nakikita ang maraming tahanan na may kumukutikutitap na christmas light.

Anyare, parekoy?

Sabi ng mga tsuper at operator, dagdag na gastos lang ang bandila. Paano raw isisingit ang pambili ng bandila sa kita nilang nasa P100-P200 lang sa isang araw?

Kwento ng isang magpapadyak sa Maynila, kumikita siya ng mahigit lang sa P100 sa isang araw at swerte kung maka-straight siya ng biyahe sa loob ng pitong araw. ‘Pag inagaw umano ng mga traffic enforcer ang kanilang sasakyan, gutom na. Grrrr!

Ganito rin ang kwento ng isang naglalabas ng traysikel. Nasa P100-P150 ang kita n’ya pero nasa limang araw lang naman ang pinakamahaba n’yang biyahe dahil kailangan naman siyang magpahinga. Nasa P150 ang boundary n’ya at gumagastos siya ng nasa P560 para sa gasolina sa buong maghapon.

‘Pag inagaw ng mga traffic enforcer o pulis ang sasakyan at ipinatubos ng P300, gutom na ang kasunod. Isang araw naman ang nasasayang na oras n’ya ‘pag ang lisensya n’ya ang kinukumpiska ng enforcer at pulis. Grrrrr ulit!

Katamtaman namang nasa P300-P400 ang kita ng isang dyipni driver pero tatlong beses lang ang kanyang biyahe sa loob ng isang linggo. Kapag hinuli siya ng gutom na pulis o enforcer na madalas mangyari o isang araw kada isang linggo, gutom na rin daw ang kasunod. Isang araw ang gugulin n’ya sa pagtubos ng lisensya na may tiyak na multa. Grrrrrrr na naman!

Ang mga bus? Nagtitipid naman umano ang mga may-ari ng bus. Sa bagsik umano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa pagsususpinde at pagkansela ng mga prangkisa, layaw na umano ang pagbili ng bandila.

Hindi makabayan, parekoy, ang mga tsuper at operator?

Kasinungalingan ‘yan! Makabayan sila pero ramdam na ramdam nila kung paano sila tinitiris ng pamahalaan para malugmok sa buhay.

Bukod sa kotong at pang-aabuso sa kanila ng mga taga-gobyerno sa lansangan, tinitiris din sila sa buwis ng Bureau of Internal Revenue.

Lahat sila hindi pupwedeng bumiyahe at magkaroon ng prangkisa nang hindi muna magparehistro at magbayad ng buwis sa BIR.

King inang buhay ‘to, parekoy.

Kaya naman, ang mga sasakyan na lang ng mga taga-gobyerno ang may bandila at….makabayan?

Mga buwiset!!!

The post WALANG BANDILANG PINAS SA JEEPNEY, BUS, TRIKE appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>