SINA Social Security System (SSS) President and Chief Executive Officer Emilio de Quiros, Jr. at Mayor Benito Aquino, ang nanguna sa ribbon cutting upang pasinayaan ang pormal na paglulunsad ng AlkanSSSya program sa isang seremonyang ginanap sa ABC Hall, Moncada, Tarlac.
Samantala, ang munisipalidad ng Moncada ang siyang kauna-unahang Local Government Unit (LGU), sa Tarlac, na magpapatupad ng AlkanSSSya program, na may mahigit 100 manggagawa. Karamihan sa kanila ay mga Job Order at Contractual at hindi kasama sa ilalim ng ipinatutupad na batas ng Government Service Insurance System (GSIS), upang maging aktibong kaanib ng SSS.
Ang kanilang SSS savings ay nakalagak sa kanya-kanyang kahon na nananatili sa kanilang sariling AlkanSSSya unit, ang halaga ng magagastos ay boluntaryong babalikatin ng LGU.
Ang mungkahi ng Moncada LGU ay magbibigay sila ng kalahati ng Php 330.00 sa bawat-buwan ng SSS contribution, bilang karagdagang insentibo para sa kanyang mga manggagawa upang makapag-ipon para sa kanilang kinabukasan.
Dumalo rin sa pagtitipon ng AlkanSSSya noong nakaraang Abril 24, 2014 sina SSS Vice President for Management Services and Planning May Catherine Ciriaco, SSS Assistant Vice President for Luzon Central Division Vilma Agapito, SSS Tarlac Branch Head Maria Maxima Macaraeg, SSS Vice President for Luzon Operations Josie Magana, AlkanSSSya Program Director Amalia Tolentino and SSS Special Assistant to the PCEO Ma. Lourdes Mendoza.
Mayroong kabuuang 179 na panauhin, kasama pa ang SSS at ilang local officials gayundin ang ang iba pang manggagawa ng LGU na nakiisa sa AlkanSSSya, na nagsidalo sa naturang kaganapan.
The post KAUNA-UNAHANG LGU-BASED ALKANSSSYA SA TARLAC appeared first on Remate.