Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

QC BILANG RIDING-IN-TANDEM CAPITAL NG METRO MANILA

$
0
0

sa-kantot-sulok21MAY katwiran si Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista na magalit sa kanyang mga pulis dahil sa malalang krimen sa Lungsod.

Noong may mga adik na naghuramentado at namaril nang namaril sa mga taong naglalakad sa North Fairview kamakailan kung saan ay may limang namatay, may karapatan siyang maghimutok sa QC Police ‘pagkat lahat naman daw ng suporta ay ipinagkakaloob ng pamahalaang lungsod sa kapulisan upang mabantayan ang katahimikan at kaayusan nito.

May mga pag-arestong ginawa ang QCPD sa nasabing kaso pero nanatili itong unsolved dahil hindi pa nahuhuli ang pangunahing salarin. Dapat ay may mga opisyal ng QCPD na pinagulong matapos ang krimen pero hindi ito ginawa.

May mga ulat na napapatay sa engkuwentro ang QC Police na riding-in-tandem criminals subalit patuloy ang nagaganap na pag-atake ng mga ito. Karumal-dumal na ang ginagawa ng mga riding-in-tandem ngunit tila kulang ang aksyon ng mga pulis.

Ang huli nga ay itong pagpatay kay Enzo Pastor, isang Pinoy car race champion sa NASCAR.

Maraming mga panukala para masugpo ang riding-in-tandem subalit wala pa ring nangyayari. Ano ba ang mga dapat gawin? Nasaan ang mga pulis mo, QCPD chief, Gen. Richard Albano?

***

NAG-COURTESY CALL tayo kamakalawa kay PNP chief, Police Director General Alan Purisima, kasama ang ilang opisyal ng National Press Club (NPC) para alamin ang ginagawang aksyon ng pulisya sa media killings.

Mahusay kausap si Gen. Purisima at naramdaman ko naman ang kagustuhan niyang maisaayos ang palakad sa PNP.

Naroon din sa kanya ang kahandaang makipagtulungan sa NPC sa pamumuno ni President Joel Sy Egco na lutasin ang media killings.

At ang masarap, nais niyang maproteksyonan ang mga kasapi ng NPC sa pagbibigay ng maluwag na daan para mabilis na makakuha ng lisensya ng baril.

Alam ni Purisima na masyadong talamak ang krimen sa bansa at may kahinaan pa rin ang PNP sa pagresolba lalo ng mabibigat na kaso.

Kaya gusto niya na ang mga journalist ay magdobleng ingat sa pagtatrabaho at maganda ito kung sila mismo ay may armas din.

***

TAMA si Pangulong Aquino sa panawagan sa publiko na huwag bumoto ng kandidatong magagaling lang sa script, kumanta at sumayaw.

Ibig niyang tukuyin ay huwag na tayong maghalal ng mga artistang mahusay lang umarte tulad ni Bong Revilla na nagdrama at kumanta pa sa Senado para kaawaan ng supporters sa nalalapit na pag-aresto sa kanya ng Sandiganbayan sa kasong plunder.

Kung gayon pala, dapat pigilan ni PNoy ang kapatid niyang si Kris sa anomang balak na pumasok sa pulitika.

The post QC BILANG RIDING-IN-TANDEM CAPITAL NG METRO MANILA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>