Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MGA PROPETANG ULOL NG NFA

$
0
0

burdado-jun-briones25111SABI ng mga propeta sa National Food Authority, malulundag sa mataas na presyo ang bigas simula ngayong buwan hanggang Setyembre.

Itong mga propetang ulol o buwang na ‘to, parekoy, ay kapani-paniwala dahil nandyan man sila o wala, talaga namang nagmamahal ang presyo sa tag-ulan hanggang sa magkaroon muli ng anihan sa mga buwan ng Oktubre at Nobyembre taon-taon. Hak, hak,hak!

Sabi ng mga ulol, maglalaro sa P40-P42 ang presyo ng commercial rice.

Mga ulol talaga dahil ang totoo, matagal nang ganyan ang presyo at sa totoo lang, umaabot sa P46-P47 ang isang kilo.

Ang dapat na pagtuunan ng pansin ng NFA, parekoy, ay ang tila kakapusan ng suplay ng reserba ng NFA na pupuwedeng doon bumili ang mga ordinaryong mamamayan.

Dapat din nitong bantayan ang mga manipulasyon sa suplay at presyo na ikinatataas ng presyo ng NFA rice hanggang sa kapantay ito ng commercial rice.

Sabi ng Department of Agriculture ng mga Kano, aabot sa 1.4 milyong tonelada ang dapat na angkatin ng Pinas sa taong ito upang hindi ito kapusin ng suplay ng bigas.

Eh, tila nasa 500,000 tonelada pa lang yata ang sigurado na imported natin at nag-iisip pa ang gobyerno Aquino kung mag-i-import ito o hindi.

Hijo de puta namang mga opisyal na ‘yan, palibahasa hindi sila nagugutom at sobra-sobra ang pagkain na nasa kanilang mga hapag-kainan kaya ganyan na lang ang kilos ng mga ito…nag-iisip pa.

Wala bang kakayanan ang mga opisyal na mag-isip ng abante upang maagapan ang mga emergency?

Anong meron sa emergency at ito lagi ang inaantay ng mga ito bago sila kumilos? Grrrrr!

Perhuwisyo talaga ang mga onorabol na ito at sampol ng kanilang emergency ang tugon sa cocolisap na nagpapabagsak sa industriya ng niyog na sanhi ng malawakang gutom ngayon ng milyon-milyong magniniyog.

Inutil na nga silang awtoridad sa problema sa suplay, inutil o korap pa sila sa bentahan at presyohan ng NFA rice.

‘Yang NFA rice diversion mula sa mga accredited rice retailer tungo sa mga commercial na retailer ang hindi nakokontrol ng NFA…at may mga ulat na binubuhusan mismo ng mga taga-NFA ang kanilang mga peborit na retailer-rice trader ng NFA rice kaya nagkakaubusan sa mga bodega ng NFA ng bigas. Paglutang ng NFA rice sa mga tindahan, presyong komersyal na ito.

Lulubog-lilitaw ang P25-P28 na NFA local rice at ang P27-P32 na NFA imported rice?

Mga jijo de puta kayo riyan sa NFA.

The post MGA PROPETANG ULOL NG NFA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>