Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ARAL SA PORK SCAM

$
0
0

CHOKEPOINT bong paduaMASAMANG panaginip, at sana ito’y panaginip lang, ang sambit ni Sen. Bong Revilla sa mga reporter na kanyang nakausap sa isang panayam.

Tila baga, bawat segundo ay napakahalaga na sa senador dahil anomang oras ay magpapalabas na ang Sandiganbayan ng arrest warrant laban sa kanya.

Kasong plunder kasi ang kinahaharap ni Sen. Bong sa pagkakadawit sa bilyong PDAF irregularity na walang piyansa.

Ibig-sabihin, sa malamig na rehas mamumuhay si Panday.

Makalalabas lamang ito kapag napatunayang siya’y walang anomang pagkakasala.

Napakatinding parusa. Para sa isang nilalang na mula nang masulyapan ang liwanag ng mundo ay napakasarap ang buhay, ang makulong sa kasong plunder ay isang bagay na ‘di ginugusto ninoman.

Pero ika nga, ganyan talaga ang buhay. Sa bayan na kinikilala ang batas, ang lumalabag ay dapat maparusahan, kahit ano pa ang estado sa buhay.

Tulad ni Sen. Bong, mahalaga na rin marahil ang tikatik ng segundo kina Senators Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada na kinasuhan din ng plunder.

Deny to the bones ang tatlong senador sa paratang na plunder.

Anyway, sisimulan na ng Sandiganbayan ang paglilitis.

May pagkakasala ba sina pogi, sexy at tanda? ‘Yan ang aabangan ng bayan.

Pero ang trabaho ng DoJ, Ombudsman at Sandiganbayan ay ‘di dapat matapos sa pagsasampa ng plunder kina Sens. Bong, Jinggoy at Enrile.

Napakarami pang senador, kongresista, government officials at sibilyan ang binabanggit ni pork scam queen Janet Napoles.

Dapat silang imbestigahan at kung may pruweba, dapat din silang makulong.

Malaking pagsubok sa pamahalaang Aquino ang pagkakabulgar ni Benhur Luy na pangsasalaula ng mga taong gobyerno sa pera ni Mang Juan.

Kailangang makatotohanan ang imbetigasyon para ‘di masayang ang napakarami nang oras at resources na nagamit ng pamahalaan.

At sa mga opisyal pa ng bayan na may balak magnakaw ng kaban ng bayan ni Juan, sana’y magsilbing aral ang nararamdaman ngayon nina Sens. Bong, Jinggoy at Enrile.

Mahirap makulong, ‘yan ang tiyak na kumikilkil sa isipan ng tatlong mambabatas.

The post ARAL SA PORK SCAM appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>