Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KARAGATAN AT YAMAN NITO, PAGMALASAKITAN AT PAGYAMANIN

$
0
0

ang inyong lingkod hilda ongANG Manila Bay, ang pasyalan ng pamilya, magkasintahan at magkakaibigan dahil sa magandang “Sunset” at tanawin ng karagatan. Ang Embahada ng America ay matatagpuang nakatayo malapit sa isang bahagi ng baybayin sa may Roxas Boulevard, Manila.

Isang magandang hakbang ang pagkakaroon ng “World Ocean’s Day Celebration”, na ngayon ay pinangunahan ng U.S. Embassy Manila sa pagdaraos nito.

Ang ating mga karagatan ang pangunahing pinagkukunan ng ating makakain, kaya, dapat nating pagmalasakitan at pagyamanin. Kung ating titingnan ang Manila bay ay isa sa maraming karagatan ng ating bansa kung saan nakukuha ng mga biyayang lamang dagat na ating kinakain at pinagkakakitaan.

Ngunit, kung mapapansin din naman natin ito ay napakarumi na upang panggalingan pa ng ating idudulot sa ating hapag kainan.

Hindi tulad ng ibang mga karagatan at mga baybayin natin na matatagpuan sa iba’t ibang panig  ng Pilipinas na tunay na malinis at halos animo’y salamin sa linaw ng tubig. Tulad ng mga  karagatan sa bahagi ng Palawan, Ilocos, Pangasinan, lalong-lalo na sa mga karagatan ng  Batanes.

Kung may mga napupuna tayo sa ating mga karagatan sa pagiging marumi ng iba at pagiging  malinis din naman ng iba pa, ay isa pang dapat pagtuunan ng mga kinauukulan ang mga lamang dagat na hinuhuli, kinakain, at pinagkakakitaan ng ating mga kababayan.

Bilang mga mamamayan na nagmamalasakit sa ating kalikasan, lalo na sa ating yamang-tubig na unti-unti nang nauubos dahil sa mga iligal na mangingisda, nararapat na tumulong ang bawat isa na mapahinto ang paghuli at pagbebenta ng mga endangered species na lamang dagat.

Huwag tayong tatangkilik sa mga ganitong gawain bagkus tulungan natin ang pamahalaan na masawata ang ganitong mga pamamaraan ng ating ibang mga kababayan.

Sa kabuuan, bilang mga mamamayan na nagmamahal sa bayan at kalikasan na siyang bumubuo sa ating bansa at mga kababayan, pagkakaisa, pagmamalasakit ang dapat palaging isa-isip para sa ikabubuti ng lahat.

The post KARAGATAN AT YAMAN NITO, PAGMALASAKITAN AT PAGYAMANIN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>