Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TRIAL NINA REVILLA, ENRILE AT JINGGOY TATAGAL

$
0
0

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB21TIYAK na tapos na ang termino ni PNoy ay hindi pa natatapos ang pagdinig sa kaso nina Senador Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla, Jr.

Ito ang ating tinitiyak dahil tiyak na matatagalan ang trial o pag-uusig ng kanilang mga kaso dahil sa dami nito at dahil na rin sa dami ng pwedeng isampang motion ng magkabilang panig.

Hindi basta-basta ang naturang mga kaso dahil ang involved dito ay mga hebigat nating politiko na bukod sa may mga datung din naman ay tiyak na de-kalibre at de-kampanilyang abogado ang paghahawakin nila ng kanilang mga asunto.

Ang trial nina Enrile, Revilla at Estrada ay laro ng mayayaman, magagaling at madidiskarte dahil tiyak na magkakaroon at magkakaroon ng butas ang bawat salaysay at affidavit na kanilang babanggitin at isusumite sa Sandiganbayan.

Kitang-kita sa mukha ni Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang ang pagkabigla at pagkagulat nang mapunta sa kanya ang kasong plunder at graft ni Enrile dahil alam niya ang kalibre ng 90-anyos na mambabatas.

Alam din tiyak ni Tang na si Enrile mismo ang magtitimon ng kanyang kaso kaya’t tiyak na dapat ay ngayon pa lang ay nag-iisip na siya ng mga kakaibang diskarte at estilo.

Bago naging taong gobyerno si Enrile ay kilala itong isang magaling na abogado sa lahat ng aspeto ng law.

Maging ang magkumpareng Jinggoy at Revilla ay tiyak na handa na rin sa kanilang panibagong hamon dahil alam nilang ang kanilang buhay at pangalan ng kanilang pamilya ang nakataya sa usaping ito.

Maging ang kinabukasan sa pulitika ng angkang Estrada at Revilla ay nakataya sa kanilang kaso kaya tiyak na hindi basta papayag ang magkakosa dahil pulitika na ang kanilang buhay bukod sa pagiging artista.

Kaabang-abang ang trial ng tatlong mambabatas dahil dito masusubok ang kanilang galing sa taktika sa media at husgado at dito rin masusukat ang gobyerno sa pag-handle ng ganitong kabigat na asunto.

The post TRIAL NINA REVILLA, ENRILE AT JINGGOY TATAGAL appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Pokemon para colorear



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>