Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SEC. ALCALA SIBAKIN NA!

$
0
0

burdado-jun-briones2BAKIT kinakailangang dalawa ang kalihim para sa agrikultura ng Pilipinas?

Nakaupo bilang mga bosing dito sina ex-Senator Kiko Pangilinan at Proceso Alcala.

Nang umupo si Pangilinan, lumitaw ang grabe na palang sakit sa niyog sanhi ng cocolisap.

Milyon-milyong puno ng niyog ang namamatay dahil noon pa palang 2010 nagsimula ang peste sa niyog.

Itong si Alcala ang matagal nang nakaupo riyan sa Department of Agriculture.

Pero hindi natin narinig, parekoy, na pinagtuunan ng pansin ni Alcala ang cocolisap.

Ang pinagkaabalahan yata ni Alcala, eh, ‘yung magsara ng pintuan sa mediamen tuwing gustong silipin ng mga ito kung ano-ano ang mga non-government organization na sangkot sa mga iskam sa Priority Development Assistance Fund.

Saka na lang nataranta ang inutil na kalihim na ito nang mabuwisit na si PNoy at magdeklara ng emergency laban sa cocolisap.

Dapat isinabay na ni PNoy si Alcala sa emergency.

‘Yung sinibak na rin ito kaagad-agad sa kainutilan nito na magsolb sa matinding problema sa P60 bilyong industriya ng niyog.

Ngayon, mula sa Luzon, lumundag na ang peste sa Kabisayaan at Mindanao.

At simula ngayon, dahil sa kapabayaan ni Alcala, kailangan pang gumastos ang mga mamamayan ng nasa P350 milyon para sugpuin ang sakit.

Pero para sa mga namatayan ng niyog, parekoy, kinakailangan nilang magtanim ng mga bagong niyog at nganganga sila sa gutom at kahirapan sa loob ng 6-9 taon.

Dahil saka lang magbubunga ang niyog pagdating sa nasabing mga taon.

Kapag ni-reject pa ng merkado sa labas ng bansa ang ating mga produktong niyog dahil sa nasabing sakit, lalong disgrasya.

Babagsak ang industriya ng niyog na pinanggagalingan ng pinakamalaking pang-export na produktong agrikultural ng Pilipinas.

O, Sec. Alcala, pakapalan na lang ba ng mukha ang pananatili sa posisyon diyan sa DA?

O may espesyal na patrabaho sa iyo…’yung bantayan ang listahan ng mga NGO para hindi masabit sa mga PDAF scam ang napakaraming kaalyado ni PNoy?

Isa pa, ang tagal-tagal na ninyo riyan sa DA, hindi man lang ninyo nadagdagan ang irigasyon para sa nasa 4 milyong ektaryang palayan at nanatiling hanggang 1.5 ektarya lang ang mayroon nito.

Ngayon ay may krisis sa presyo ng bigas at sasabihin mong walang magagawa ang gobyerno rito dahil lean months?

Mga inutil at makakapal ang mukha, alis na riyan!

The post SEC. ALCALA SIBAKIN NA! appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>