ISINAGAWA ng National Water Resources Board (NWRB) ang kanilang taunang Strategic Planning Workshop noong Enero 17-18, 2013 sa Century Resort Hotel sa Angeles City, Pampanga.
Layunin ng nasabing workshop na magbalangkas ng NWRB Strategic Plan upang itakda ang direksyon at magsilbing roadmap para sa 2013-2016. Dinaluhan ito ng mga miyembro ng Management Committee (Mancom) na kinabibilangan ng Officer-in-Charge (OIC), Executive Director, ang OIC, Deputy Executive Director, mga hepe ng dibisyon at seksyon ng NWRB.
Sa kanyang pambungad na pananalita, idiniin ni Officer-in-Charge Elenito M. Bagalihog na kinakakailangan niya ng pakikipagtulungan ng Mancom lalo na ang kanilang mga mahahalagang input at kritikal na pag-iisip kung paano mapabubuti ang mga umiiral na proseso ng ahensiya.
Ilan sa mga highlight ng workshop sa unang araw
1. NWRB Logical Framework Review ng 2010-2013 Strategic Plan.
2. Presentasyon ng function o pananagutan ng bawat dibisyon at 2012 accomplishment.
3. Mga isinasagawang programa o proyekto ukol sa mga polisiya, mga patakaran o alituntunin at ang 2013 Budget Allocation (batay sa GAA at Excess Income) at ang workshop.
Ang highlight naman ng ikalawang araw
1. Rekomendasyon ng DBM na Major Final Outputs at Performance Indicators.
2. Presentasyon ng 2014 Budget, mga alituntunin at timeline.
3. Proposed Programs/Projects para sa 2014-2016.
Ang inaasahang output ng workshop ay ang 1) listahan ng mga prayoridad isyu at strategic actions na may kaugnayan sa 2013 budget at iba pang mga isyu na maaaring magamit bilang input sa performance contract na kinakailangan ng CES Board; 2) listahan ng mga programa at proyekto na iminungkahi para sa 2014-2016 under and above the ceiling; at 3) mabuo ang mga komento at rekomendasyon sa binagong MFOs at PIs para isumite sa Department of Budget and Management.