Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LAKING GINHAWA SA MGA IVATAN ANG SSS BATANES SERVICE OFFICE

$
0
0

ang inyong lingkod hilda ongANG Social Security System (SSS) Service Office (SO) sa Basco, Batanes, ang magbibigay pansin at solusyon sa mga kahilingan sa pagsasaayos at pag-update ng mga datos ng miyembro at ng employer tulad ng pangalan, kapanganakan at bago o dagdag na dependyente o empleyado; pagtanggap ng “maternity notifications”; at pagtanggap ng listahan ng mga nakolektang kontribusyon ng mga employer, ay ilan sa mga serbisyo nito.

Sa ngayon, may 400 rehistrado miyembro, karamihan ay mga magsasaka at mangingisda. Dahil sa tumataas na kasikatan at “accessibility” bilang lugar na pang-akit sa mga turista, at tila nadarama ang paglawak ng oportunidad para sa lokal na pag-empleo ng maraming manggagawa at dahil na rin sa pag-uunlad ng Batanes, nakikita ang importansya ng presensya ng SSS sa Batanes.

“Lumiliwanag na ang mga layuning pang ekonomiya para sa Batanes, may pang-akit sa kanilang likas na magagandang tanawing pang-turista, at ang pagtaas ng bilang ng mga biyaheng panghimpapawid sa lalawigan. Ang kanilang lokal na pamahalaan ay aktibong sumusuporta din sa mga lokal na kabuhayan, na nag-aambag sa lumalagong industriya ng turismo,” dagdag pa ng opisyal.

Sina SSS President and Chief Executive Officer Emilio De Quiros, Jr., Batanes Governor Vicente Gato at Basco Mayor Demetrius Paul Narag ang nanguna sa mga lokal at ilang opisyal ng SSS sa pagbubukas ng Batanes Service Office noong May 28, 2014.

Pumirma rin ang ahensya ng ilang bagong kasunduan kasama ang provincial LGU ng Batanes at municipal LGU ng Basco at Sabtang para sa coverage ng 400 manggagawa at kontratista sa ilalim ng SSS “e-AlkanSSSya” savings program.

Kasama ni De Quiros ang ilang opisyal ng SSS, sila’y nagsagawa ng SSS Stakeholders Forum sa Human Resource Training Center sa bayan ng Basco noong May 28, at ang isa pang Training Center sa bayan ng Sabtang noong May 29, 2014.

The post LAKING GINHAWA SA MGA IVATAN ANG SSS BATANES SERVICE OFFICE appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>