Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BLACK SAND MINING TINULDUKAN NG MGB

$
0
0

Firing-Line-Robert-Roque-Jr.4KAPURI-PURI ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Region 3 sa pagtiyak na matitigil na ang mga iligal na pagmimina ng ilang kompanya sa Zambales.

Noong Mayo 22, iniulat ng kolum na ito ang tungkol sa itinakdang inspeksyon ng linggong iyon ng isang grupo mula sa MGB Region 3 sa mga operasyon ng black sand (magnetite) mining sa Zambales. Ang “visit” ay upang siguruhing tumalima ang mga indibidwal at mga kompanyang inisyuhan ng mga cease-and-desist order (CDO).

Noong Mayo 27 ay naglabas ang MGB Region 3 ng post inspection report, tinukoy na inihinto na ang karamihan sa minahan ng black sand sa mga bayan ng San Marcelino, San Felipe at Botolan sa Zambales.

Tinukoy ng mga inspektor ng MGB—sina Geodetic Engineer Baldwin M. Peneyra at Senior Environment Management Specialist Fermin S. Pasos, Jr. III—sa kanilang report na natuklasan sa isinagawa nilang field work mula Mayo 22 hanggang 24 na sarado na ang mga operasyon ng black sand mining.

Ayon sa report, itinigil na ang pagmimina sa San Marcelino ng mga operator na sina Rolly D. Granada ng RD Granada Enterprises, Danilo Mangaoang ng X-Trade Corporation, Adela C. Merza ng First Top Win International Inc., Marie Dee Velagan ng BELMAG, Jayson Florida ng South Sino Mineral Resources, Inc., Eduardo Lopez ng Barangay San Rafael at Dong Lee/Dominga Escala ng Woonam Moolsan Corporation.

Tinukoy rin sa report na walang pagmimina sa Maloma River sa Barangay Maloma sa San Felipe pero hindi naman binanggit kung may kompanyang dating nagmimina sa lugar.

Sa Botolan, ininspeksyon ng mga taga-MGB ang kahabaan ng Bucao River mula sa foot bridge sa Olongapo-Sta. Cruz Highway hanggang sa pinakadulo ng Bucao dikes. Wala ni isa mang nagmimina ng black sand.

Binisita rin nila ang mga processing plant na inisyuhan ng mga CDO at nakumpirmang tigil-operasyon na rin ang mga ito. Ang mga ito ay ang Bluemax Tradelink, Inc. na pinangangasiwaan ni Clark Zapata, ang mga kompanya nina April Pineda/Joey Tan, Veronica Dizon/Mr. Qui, at Emmanuel Ledesma.

Kasabay nito, sinulatan ng mga inspektor sina Mr. Zapata at Mr. Ledesma, at inobliga silang gibain ang kani-kanilang processing plant sa loob ng 30 araw matapos matanggap ang sulat.

Nabanggit din ng mga espiya ko na wala na maging ang dambuhalang barko na dating nagkakarga ng magnetite para mag-deliver sa ibang bansa.

Dahil dito, sinasaluduhan ng Firing Line sina Attorney Danilo Uykieng, Officer-in-Charge ng DENR Region 3; Engineer Rey Cruz, Officer-in-Charge ng Mine Management Division ng MGB 3; at ang mga inspector niya—sina Peneyra at Pasos—dahil sa matagumpay nilang pagtugon sa reklamo ng mga residente.

Kumpiyansa rin ang kolum na ito na mananatili silang nakasubaybay sa pagsasagawa ng mga regular field inspection. At para sa mga walang pagod at buong giting ang pagsisikap na protektahan ang kalikasan at labanan ang iligal na pagmimina at smuggling, umasa kayong kakampi n’yo ang kolum na ito.

* * *
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.

The post BLACK SAND MINING TINULDUKAN NG MGB appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.