Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

EBAK AT IHI NI SAN JUAN AT KOTONGAN SA LANSANGAN

$
0
0

benny-antiporda11PAANO kaya didisiplinahin ang mga nagsasaboy ng ebak, ihi at tubig kanal sa mga mamamayan at motorista sa Araw ni San Juan Bautista?

Itong si San Juan Bautista ay pinangalanang Bautista dahil siya ang nagbinyag kay Jesus sa Ilog Jordan nang ito’y magpabinyag sa tubig.

At tinutularan ito hanggang ngayon sa pamamagitan ng mga wisik-wisik o pagpapatulo o pagpapalubog sa bath tub o sa ilog ng mga binibinyagan.

Pero sa mga lugar na si San Juan ang patron, bakit nga echas, ihi at tubig kanal ang isinasaboy sa mga mamamayan at motoristang dumaraan? Tsk! tsk! tsk!

SAMPALOC, MANILA

Anak ng tokwa, riyan sa Sampaloc, Manila, lalo na sa kahabaan ng Dimasalang St., makasasagasa o makapapatay o mapapaaway ka sa inis.

Bakit? Mga ebak at ihi ang ihahagis o ibabalibag sa iyo.

Nakasupot sa plastic ang mga ito at sumasabog kung tumama sa iyo na naglalakad o nasa loob ng sasakyan.

Mga kabataan ang gumagawa nito, mga Bro.

Kaya ingat tayo!

TUBIG-KANAL

Sa maraming lugar, nakaranas sa nakaraang mga Araw ni San Juan ang mga mamamayan ng pagsaboy ng tubig mula mismo sa mga kanal.

Eh, ang dudumi at ang babaho ng mga tubig na ito.

Nangyayari ito sa mga lungsod mismo ng Maynila at San Juan City.

Mga kabataan at lasing ang karaniwang gumagawa nito.

Walang magawa ang iba kundi maghanda sa mga pangyayaring ito.

Nagdadala ng bihisan ang iba kung sila’y pumapasok sa trabaho.

‘Yung mga may sasakyan, nagsasara na lang ng mga bintana.

BARANGAY AT PULIS

Dahil sa mga pangyayaring ito, humihiling ng ayuda sa mga lansangan ang mga mamamayan.

Sana naman maging aktibo at nasa lansangan ang maraming opisyal at barangay tanod at mga pulis.

Ito’y upang may agad mahingan ng tulong ang mga mamamayan laban sa kababuyang ginagawa ng mga walang disiplinang mamamayan sa pagbibigay-pugay kay San Juan.

Sinasabi natin ito dahil karanasan nang walang gaanong nagpapatrolya na mga taga-barangay at pulis sa lansangan sa araw na ito at karaniwang nasa mga barangay hall o istasyon ng pulisya ang mga ito sa rami ng mga krimen ding nagaganap.

‘Yung iba sa mga ito, araw ng paghahapbuhay at ‘yang pagsasaayos ng mga parkingan ng mga dumarayo at nakikipiyesta ang inaatupag dahil may tip sa mga ito.

Nakakalimutan nila ang magbantay sa mga lansangan na pinagmumulan talaga ng mga away dahil nga sa mga pagsaboy-saboy sa mga dumaraan ng mga tubig-kanal, ebak at ihi.

Makikita ninyo ang away, lalo na sa mga pampasaherong jeepney at bus na ordinary na talaga namang madaling mapasok ng kung anong isinasaboy o ibinabalibag.

KOTONG COPS AT ENFORCERS

Hindi talaga maalis-alis ang pangongotong ng mga tiwaling pulis at traffic enforcer sa Kamaynilaan.

Lalong nagsisipag ang mga ito na mangotong dahil sa malaki ang kanilang kikitain sa pagtaas ng singil ng Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa mga multa at parusa sa mga traffic violation kuno.

Ang gagaling ng mga ito na sumilip ng mga violation sa mga batas trapiko kuno ng mga tsuper.

At ang nakatatakot na sitwasyon ay nag-aasta ang mga ito na, bukod sa panghuhuli bilang mga pulis at enforcer, huwes na rin sila sa lansangan.

‘Yun bang === huhusgahan ka agad na nagkasala at wala kang gagawin kundi sumunod sa gusto nila.

Magbayad ka sa ticket sa City Hall, LTO o LTFRB o sa kanila mismo sa kalsada nang mas mura?

Alalahaning P1,000 na ang minimum na multa sa mga traffic violation kuno.

MATATAPANG NA DIYOS

Napakatatapang na diyos at kuyog ang mga pulis at traffic enforcer kung manghuli ang mga ito.

Wala kang mararamdaman na paggalang sa sibilyan sa nakararami sa mga ito, maging ang mga tauhan ng LTO at LTFRB.

Pakiramdam mo, parang terorista ang turing sa iyo.

Sa napakaraming pagkakataon, ang pangangatwiran ng mga tsuper ay itinuturing na “disobedience of authority” at isa ito sa mga ikinakarga sa mga tiket na iniisyu nila.

Karaniwang kinukumpiska ang lisensya ng mga tsuper at kung hindi ibinibigay ng tsuper ang lisensya dahil nangangatwiran ito, ‘yang pagbakbak ng plaka ang mabilis na isinasagawa.

Anak ng tokwa, minimum na P6,000 ang gastos sa pagbawi ng plaka at dito tuwang-tuwa ang mga mangongotong dahil malaki ang porsyento nila sa multa.

MAS MATRAPIK MAS MAY KITA

Alam na alam ng mga korap na kung matrapik, lalo silang kikita kaya marami sa mga ito ang nagpapabaya sa pag-aayos ng daloy ng sasaskyan.

Nagtatago ang mga ito kung saan-saan at lilitaw na lang kung may gustong lumusot sa sobrang trapik gaya ng pag-iwas sa matrapik na ruta, sa parte lalo na ng mga pampasaherong sasakyan.

Makaapak ka lang din ng kaunti sa mga bawal na marka sa lansangan, huhulihin ka rin kahit pa rasonable ka gaya ng pag-iwas sa mga nagbababad sa mga lansangan na sasakyan… na kung minsan ay mga sasakyan mismo ng mga pulis at enforcer.

Ang masakit, napakahirap magdemanda sa mga ito dahil karaniwang walang testigo ang mga tsuper kontra sa mga akusasyon ng mga kuyog na korap.

Paano kaya isulong ang mga pagbabago rito, mga Bro?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

The post EBAK AT IHI NI SAN JUAN AT KOTONGAN SA LANSANGAN appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Two timer Sad tagalog Love quotes


Tagalog Love Quotes 2014 – Best Online Collections


Tagalog God Quotes to inspire you


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC


Top Tagalog Love Quotes Online Collections


Mga Patama Quotes and Banat Tagalog Love Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Sunny Hill - Once In Summer 2014



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>