Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TRAYDOR, BABAERO=BAYANI, USER, KALABAN=TABLADO

$
0
0

burdado-jun-briones2ANO ba dapat meron ka para maging bayani o national artist?

Dapat ka bang maging anghel, demonyo, demonyong anghel, buwaya, baboy, may tulo, babaero, lalakero, traydor sa bayan, mamamatay-tao at kung ano-ano pa?

Hindi natin gaanong maarok ang mga pamantayan sa pagpili ng mga bayani at national artist, parekoy.

Pero naririyan nga ang ating mga bayani at national artist na ipinagdiriwang natin ang buhay at ginagastusan ng malaking salaping bayan taon-taon.

Tinatalakay natin ito, parekoy, dahil sa pagkaka-reject kay Nora Aunor sa listahan ng mga dapat daw na maging national artist.

Marami ang mga haka-haka sa pagkakatigok ni Manay Nora bilang national artist.

Mukhang nawala umano ang ngalan nito sa listahang isinumite kay PNoy…at parang dumaan ito sa madayang halalan…ang ballot switching na naging sobre switching. Hak, hak, hak!

Meron ding nagsasabi na hinarang si Nora dahil pinagsusuportahan nito sina Manong Ferdie Marcos, Pareng Erap at Aling Gloria na pawang mga mortal na kaaway ni PNoy sa pulitika.

At kung idedeklara siyang national artist ngayon, baka magagamit pa siya laban sa mga manok ni PNoy sa 2016 presidential election. Hak, hak, hak!

Sinasabi namang hinarang si Superstar dahil minsang naging user ito ng droga at nitong huli, naging dugyot at purdoy na at hindi na pupwedeng umapak pa sa napakasagradong Palasyo ng Malakanyang.

King-ina, dito natin naalaala ang mga naging pambansang bayani natin. Hindi kaila sa lahat na may naging sobrang babaero, nagtraydor sa mismong Pilipinas sa pagbebenta nito sa mga dayuhan o pagpatay sa kalaban sa agawan sa kapangyarihan at nagpa-rape pa sa dyowa ng kalaban. Hindi katawa-tawa. Hak, hak, hak!

May naging baboy o korap, may naging bata-bata at espiya pa ng mga dayuhan o makapili at may walang nagawa sa katakot-takot na mga blackout at brownout. Grrrrr!

Maaari ring susunod na bayani o magiging national artist ang ilang walang ginawa kundi ipakulong ang kanilang mga kalaban, manlalaki at mambabae hanggang sa magkandatulo-tulo at kung ano-ano pa.

Hak, hak!

Paano nga ba sinusukat ang isang Pinoy para maging pambansang bayani o national artist? Bahala kayo sa buhay n’yo! Hmmmp!

The post TRAYDOR, BABAERO=BAYANI, USER, KALABAN=TABLADO appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>