DAHIL ayaw na dumanak ang dugo kaya bumaba mula sa kanyang puwesto ang noo’y Pangulong Joseph Estrada nang magsagawa ng People Power 2 ang mga mamamayan na pinangungunahan ng mga elitista.
Sa madaling salita, mapagmahal sa kapayapaan at katahimikan ang kasalukuyang alkalde ng Maynila kaya nga mas ninais ng kanyang pamilya na sumuko nang matiwasay at maayos itong si Sen. Jinggoy Estrada.
Naunang, hinikayat ni Manila Mayor Erap na mapayapang bumaba sa puwesto ang kanyang pamangkin na si ER Ejercito bilang gobernador ng Laguna na disniskwalipika ng Commission on Elections dahil sa labis na paggastos noong halalan.
Laging puso ang pinaiiral ni Mayor Estrada at handa siyang magbigay-raan para sa kapakanan ng mga mamamayan tulad ng ginagawa niya sa Maynila.
Lamang, sa pagnanais niyang mabigyan ng maayos na kaginhawahan ang mga Manileño, nagkakaroon ng pagkakataon ang ilang “buwaya” sa kanyang administrasyon.
Sinasamantala ng mga nakapaligid sa alkalde na magkamal ng salapi na pupuno sa kanilang mga sariling bulsa gamit ang puwestong ipinagkaloob sa kanila.
Halimbawa ng mga ito ay ang mga nangangalaga sa Divisoria. Nagkakamal ng salapi ang mga ito dahil sa tatlong beses na koleksyon sa mga nangangalakal sa nasabing lugar.
Ang mga kolektor nina Dennis Alcoreza at Che Borromeo na sina Boy Gaviola, Ferdinand Lugo, pawang nakatalaga sa Department of Public Safety at volunteer na si Nick Pugal ay pawang itinuturo ng mga magtitinda sa Divisoria na nangongolekta sa kanila, gayundin sina Oliver de Guzman at alias Jojo.
Maging ang “lubog” (termino sa 15-30 cop) na pulis na si Jimmy Soriano ay sinasabing nangongolekta rin sa mga magtitinda sa lugar.
At take note, ipinagyayabang nito na siya ang itinalaga ng city hall.
Kabado ngayon itong si Soriano dahil may kumakalat na balitang nakuhanan siya ng video ng isa sa mga vendor na sinasabi niyang nagbibigay siya ng parating sa tanggapan ni Mayor Estrada.
Kaya nga parang hilong talilong itong si Soriano sa pag-ikot sa mga opisyal ng city hall.
Ginagawa niya ito upang kumuha ng kakampi na magtatanggol at sasagip sa kanya sa galit ng alkalde sa pagsasabing nagpapakolekta ito.
Pero balita na itong si Soriano na dating bata-bata rin ng ilang opisyal ni dating Mayor Alfredo Lim ay bata-bata na ngayon ni Alcoreza na walang sariling tauhan maliban sa mga mismong kolektor ni Borromeo.
=========================
May nagbulong sa PAKUROT na hinahanap ni Dr. Augusto Cortez, umaasam na mauupong director ng Quezon City General Hospital, sa Facebook ang litrato ng inyong lingkod matapos malathala na lumapit sa isang kapuso ni QC Mayor Herbert Bautista sa pagnanais sa inaasam na puwesto.
May pinagbibintangan pang opisyal ng pagamutan itong si Dr. Cortez na siyang may kagagawan ng pagkakasulat sa kanya.
Dapat mabatid ni Dr. Cortez na bagaman ipinagmamalaki niyang malapit siya kay QC 4th District Rep. Feliciano Sonny Belmonte ay may mga tauhan itong posibleng galit o ayaw sa kanya na siyang nagbibigay ng detalye at impormasyon sa mamamahayag at posible rin namang galing sa mga taong dati niyang niyapakan sa Novaliches District Hospital.
The post PUSO UMIIRAL KAYA INAABUSO appeared first on Remate.