KUNG ako si PNoy, king-ina, ilalaglag ko na si Butch Abad.
Pero hindi ko lang ilaglag, sisipain ko siya nang malakas palabas ng Palasyo.
Aba, pahamak ang mamang ito.
Ito ang arkitekto ng Disbursement Acceleration Fund na tinira ng Supreme Court.
Pero teka, bakit ko naman ilalaglag at sisipain si Abad?
Malinaw yata na ako ang pumirma sa lahat ng mga pinalabas ni Abad na pondo sa DAP.
Hu-hu-hu!
Baka naman, ‘pag sinipa ko itong si Abad at tumalsik palabas ng Malakanyang, eh, masasama akong lilipad palabas. Hu-hu-hu!
Ano nga ba ang gagawin ko, huh?
Esep-esep ‘pag may time pa, hane!
Pero paano, lumilipad na ang mga bala kahit saan para tugisin ako at si Abad.
Balang galing sa putok ng butse ng mga mamamayan na galit na galit sa mga nagpakawala at tumanggap ng DAP.
Hijo de puta, ano nga ba ang gagawin ko?
Pero bago ako gumawa ng marahas kay Abad, saan ba galing ang galit ng mga tao?
Aha, tutal tinatawag akong “Boy Sisi”, panindigan ko na.
Ito kasing mga hijo de puta na mga Hukom sa Supreme Court.
Bakit pinagkaisahan ng mga ito ang mga peborit kong mga laruan: una ‘yung Priority Development Assistance Fund at, ikalawa, itong DAP?
Mga walang utang na loob.
Lalo na ang ipinasok ko sa SC para maging Hukom.
Aba, hindi sila naging Hukom kung wala ako.
Pero bakit pati sila nagtraydor sa akin?
Sa PDAF, 14-0-1 ang boto. Sa DAP, 13-0-1 ang boto.
Bakit nila ako tinitira, huh?
Ah basta, sila ang pinagsimulan ng kalbaryo ko.
Teka nga pala, ‘di ba may umaalingasaw mula sa imbakan ng Judiciary Fund?
Hindi kaya may mga korap at mandarambong din sa mga Hukom?
Teka nga pala, galing si Atong Corona riyan sa SC, a!
Pinatalsik ko noon si Corona sa pagsisinungaling sa kanyang Statement of Assets ang Liabilities ang Networth.
Baka may mga kakambal din si Corona, bukod sa pagkahawa ng alingasaw sa Judiciary Fund.
O mga kampon, maghanda kayo. Sisipa uli tayo ng mga Hukom para matigil na pambobokya sa atin sa mga kaso. Ehek!
The post MGA HUKOM SA SC TRAYDOR, ABAD ILALAGLAG KO RIN appeared first on Remate.