HINDI pa nagkakaroon ng kopya ang publiko ukol sa desisyon ng Supreme Court sa dap.
Kinukumpleto pa raw kasi ito dahil wala pa ang mga kanya-kanyang opinyon ng ilang hukom na pumabor sa desisyon ngunit may dagdag-bawas na mga batayan.
At ini-edit o nililinis pa mula sa mga maliliit na pagkakamali.
Gayunman, may mga nakakuha na ng kopya ng katawan ng kopya at malinaw na ang mga mahahalagang punto.
Syempre pa, malinaw na sinasabi ng mga Hukom na may ilan lang na parte ng DAP ang labag sa Konstitusyon.
Pero sinasabi naman ng mga nagsampa ng kaso na halos buong DAP ang labag sa Konstitusyon.
PINALUSOT
Lumalabas na pinalabas ng mga Hukom na kahit labag sa Konstitusyon ang apat na bagay na pinaggagagawa ng Malakanyang, walang kaukulang batas na nagpapatupad nito.
Derpor, walang nalabag na batas at magsisimula lang sa paglabas ng desisyon ang anomang kaso sa usapin dahil magiging batas na rin ang desisyon ng SC.
Dahil walang nalabag na batas, charge to experience na lang ang kalokohan ng Malakanyang?
At ang importante ay huwag nang uulit sina PNoy, Abad at iba pang taga-Malakanyang.
Kumbaga sa sexual assault, kahit nagkabuntis-buntis ang babae, walang pananagutan ang anak ng tipaklong na DAP boys.
‘Yang hindi pag-ulit at walang pananagutan ang pinairal ng desisyon SC.
Oks lang ba kayo?
TANGING PAG-ASA
Ang tanging pag-asa na lang para mapanagot ang DAP boys ay kung may makukutkot na maling pinaggamitan ng DAP.
Tanong: mayroon bang Senador o Kongresman na sasama kay Jinggoy Estrada at magsabing sinuhulan sila upang ma-impeach si Chief Justice Atong Corona?
Kung meron, lagot sina PNoy, Abad at kahit sino pang kakosa ng mga ito.
‘Yang panunuhol alyas insentibo na umaabot sa P100 milyon bawat senador ay malaking kasalanan sa bayan, sa mahal kong Pinas.
Hindi maliligtas maging ang mga naglilinis-linisan sa pagsasabing wala ni kusing silang ibinulsa mula sa isinuhol sa kanila.
At nagamit lahat para sa kapakanan ng bayan.
He, he, he!
NAGTATAKIPAN SILANG LAHAT
Anak ng daang putakte, ngayon pa lang ay sinosopla na ng mga tsuwariwap ni PNoy sa Senado at Kamara na walang mararating ang kasong impeachment kay PNoy.
Kahit may mali, nagtatakipan ang mga hayop na ito, mga Bro.
Sabi, walang mali umano sa DAP, kahit pa sa PDAF, at lahat ay idinaan sa Tuwid na Daan.
At daraanin nila sa mas malaki pa sa alon ng storm surge na tumibag sa Leyte at Samar na iboto ng mayorya ang laban sa impeachment.
Ipinagmamalaki ng mga traydor sa bayan na may 130 na kapartido umano nina PNoy at Abad sa Kamara at pwera pa ang iba pang mga nakinabang sa DAP at PDAF…na handa ring humarang saimpeachment.
Mayorya rin sa mga senador ang handang magpawalang-sala kay PNoy sa impeachment sakaling aakyat ang impeachment sa Senado.
Anak ng p#%*a ang mga tipaklong na ‘to.
OKEY SA OMBUDSMAN
Nagsalita na si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na magsasagawa sila ng imbestigasyon “moto propio” sa punto ng malversation o paglustay ng salaping bayan kaugnay ng DAP.
Aba may yagbols si Señora. Hehehe!
Sa moto propio, hindi na sila maghihintay ng utos mula sa kung kani-kanino at gagamitin nila ang kanilang mandato para rito sa bisa ng estado ng Ombudsman na isang Constitutional Commission na independiyente sa anomang kamay ng Malakanyang, Kongreso at Supreme Court.
Tingnan natin kung seseryosohin ni Senora ang salita nito.
Pero pupwedeng tularan ni Senora ang ginawa ng mga Hukom sa SC na bumokya kahit kay PNoy sa mga kaso ng DAP at PDAF.
Dating Hukom sa SC si Senora Conchita sana panatilihin nito ang hindi pagiging tsuwariwap ng Malakanyang.
COMMISSION ON AUDIT
Wala naman tayong naririnig mula kay COA chair Grace Pulido-Tan na mag-a-audit ito sa DAP makaraan ang SC decision.
Tila wala itong kusang palo at nagmumukhang de pukpok ito sa DAP.
Dahil ba sa si PNoy mismo ang nasa sentro ng kontrobersya sa DAP?
O natatakot syang ma-disgrace o madisgrasya o madiskaril sa paghakbang nito tungo sa aplikasyon niya na maging Justice sa SC dahil si PNoy ang pumipili ng magiging justice at Chief Justice?
Ang audit o pagsusuri kasi, mga Bro, ang isang pagbabatayan ng kasong pupwedeng isampa laban kay PNoy.
‘Di bale na lang ba, Madam Grace?
Nagtatanong lang po! Hehehe!
WALA NANG KREDIBILIDAD
Anoman ang mangyari, mga Bro, tila wala nang kredibilidad ang kasalukuyang gobyerno.
Magtanong pa kayo sa mga taga-barangay.
Kahit ipinipilit ng mga taga-Palasyo na wala ni kusing na nanakaw sa DAP at PDAF na rin na hawak ng mga nasa Tuwid na Daan, wala nang kabilib-bilib ang mga taga-barangay sa kanila sa Palasyo at mga kakosa nila sa Senado at Kamara.
Lalo’t hindi naman ramdam ng mga mamamayan ang ipinagmamalaking pag-unlad ng Pinas mula umano sa P160-P170 bilyon at halos ganito ring halaga na PDAF sa nakalipas na apat na taon.
Pesteng yawa, uy!
oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.
The post NAGTATAKIPAN SA DAP AT WALA NANG KREDIBILIDAD appeared first on Remate.

