DAPAT na yatang magbalot-balot na sina Boss Noynoy at mga tsuwariwap nitong sina Butch Abad, Topaquits Ochoa at iba pa na naging sobrang masugid sa pagtatanggol ng Disbursement Acceleration Program na tinigbak “partially” ng Supreme Court sa botong 13-0-1.
Bakit? Mukha kasing hindi na mapigil ang pagsasampa ng iba’t ibang kaso sa mga ito makaraang gawing buntot ng SC decision ang pahayag na mga “author, proponent at implementor” ay may pananagutang kriminal, sibil, administratibo at iba pa kung “not in good faith” sila sa pagpapairal ng DAP.
Sa ibang salita, pambababoy, paglustay at pagnanakaw sa DAP ang pakahulugan ng “not in good faith” na pupwedeng ideklara ng “proper tribunal.”
Bukod sa mga hukuman o huwes o komisyong gaya ng Commission on Elections, maaari bang ituring ang Office of the Ombudsman na tribunal dahil may kapangyarihan itong magsuspinde ng mga opisyal ng gobyerno at maghayag ng probable cause, Señora Conchita Carpio-Morales?
Eniwey, may tiyak na pagbabatayan ng “not in good faith” ng mga nasa gobyerno at walang iba kundi ang suhol alyas insentibo o pabuya na perang DAP con PDAF na ipinamudmod ng Palasyo sa mga mambabatas sa Kamara at Senado ukol impeachment ni Chief Justice Atong Corona.
Hindi uubra ang good faith o malinis na konsensya na sinabawan ng kawalan ng alam sa batas na nagbabawal sa suhol.
Hak-hak-hak!
Kinakailangan lang ni Jinggoy ang isa pang testigo na makapagpapatunay na nagkaroon ng suhulan noong impeachment para makasuhan nang tuluyan ang mga taga-Palasyo at kakosa nitong 21 senador at 180 kongresman na yumari kay Corona.
King-ina, itong mga kakosa ni PNoy sa DAP na kongresman at senador ang napakaiingay ngayon sa pagsasabing hindi nila ilalaglag si PNoy sa impeachment.
Kung galit man ang mga magnanakaw sa kapwa nila mga magnanakaw, hindi naman galit sa isa’t isa kundi nag-o-all-for-one and one-for-all ang mga baboy.
Hak-hak-hak! Pweh!
The post PNOY, ABAD, ATBP., ABA, MAGBALOT-BALOT NA KAYO! HAK-HAK-HAK! appeared first on Remate.