MATUTO na sana tayo. Galit nga tayo sa korapsyon. Galit tayo sa mga magnanakaw sa gobyerno. Ngayon gusto na naman nating mawalan ng pera? Huwag na toy!
‘Yung mga nagsusulong ng impeachment, mag-isip-isip kayo. Kapag nagsampa kayo sa Kongreso ng kasong impeachment laban kay Benigno Aquino III (BSA3), para na ninyong sinabi na handa na naman kayong pagnakawan ng pera ng bayan.
Syempre, kapag nasa Kongreso na ang kaso, walang gagawin sina Noynoy at Butch Abad kundi maghanap ng pera para ipansuhol sa mga mambabatas natin sa Kamara at Senado. Eh, ‘di sila lang uli ang makikinabang at yayaman sa pera nina Maria at Juan?
Sinabi na nga ng Korte Suprema na pandarambong (pinakinis lang sa salitang iligal) ang Priority Development Allocation Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP) tapos kakana kayo ng impeachment para maulit uli nina Abad at Aquino na waldasin ang pera natin?
Ngayon nga lang sa depensa nila sa PDAF at DAP, bilyon-bilyong piso ang nilalaspag nila sa media counter strike special operations, eh. Napakasuwerte ng mga gunggong na operatiba para bilhin ang media!
Walang paki kung gaguhin tayo ng attack dogs ni Noynoy na sina Miniong Coloma at Edwin Lacierda. Kesyo ginamit daw na ayuda para sa mahihirap ang pera mula sa DAP at kung nagawa man daw ng boss nila ang pagwawaldas ng pera natin, “in good faith” daw ‘yun! Gaguhan, hindi ba?
Kaya kung ako sa mga tao o grupo na nagsusulong ng impeachment kontra kay BSA3, hindi ko na itutuloy ‘yun.
Alam naman natin kung gaano kasuwapang ang mga mambabatas natin ngayon.
Alalahanin ninyo, ‘yung impeachment noon kontra kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona. Mula P50 hanggang P100 milyon ang isinuhol sa kanila ni Aquino, hayun, hindi na binasa. Hindi sinuri. Hindi pinag-isipan, nagsipirma, pumasa ang kaso.
Nadagdagan pa ito, bilang bonus, nang sa pinal na diskurso ng senator judges, na-impeach si Corona. Nagdiwang sila sa Malacañang at noong uwian na, kanya-kanyang sobre na may tseke ang iniuwi nila.
Kung totoo naman ang mga tao, grupo, kilusan na tapusin na ang swapang na gobyernong rehimen ni Aquino, huwag na ninyong daanin pa sa impeachment. Impeachment? ‘Wag na toy! Patalsikin kung patalsikin if gusto ninyong mawala siya at ang mga KKKKKKK!
The post IMPEACH KONTRA PNOY? HUWAG NA TOY! appeared first on Remate.
