Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

OFW’S, KALINGAIN NANG TODO

$
0
0

benny-antiporda1NAPAKALAKI ng lumalabas ngayon na pagkakaiba ng totoong bilang ng mga overseas Filipino worker.

Sa isang rekord ng Philippine Statistics Authority, mayroon lang 2.2-milyong OFW.

Pero ang pamahalaan mismo, lalo na ang Philippine Overseas Employment Administration ang nagsabi na naglalaro sa 9-12.5M lahat ang mga OFW na nakakalat sa iba’t ibang bansa.

Dapat na ayusin ng pamahalaan ang rekord nito upang makagawa ng karampatang mga batas at programa para sa proteksyon at pagpapaunlad ng kalagayan ng mga ito.

POEA HIGIT NA KAPANI-PANIWALA

Anoman ang lumalabas na rekord ng pamahalaan, higit nating pinaniniwalaan ang POEA.

Ang POEA nga ay naglista ng 20 bansa na kung saan matatagpuan ang nakararami sa mga OFW gaya ng mga sumusunod: United States – 3,416,840; Saudi Arabia – 1,159,003; Malaysia – 900,000; UAE 700,000; Canada – 436,190; Japan – 350,972; Australia – 336, 140; Qatar – 263,980; Italy -259,508; United Kingdom – 200,987; Mexico – 200,000 Hong Kong – 168,550; Singapore – 163,090; Kuwait – 155,74; Taiwan – 94,283; South Korea – 81,395; Germany – 51,309; Greece; 51,656; Spain – 1,268; Bahrain – 50,695; France – 50,013; Oman – 41,000; Israel – 33,002; Jordan – 32,896; Lebanon – 31,348; Austria – 29,824; New Zealand – 27,139; Libya – 23,713; Guam – 23,563 at Switzerland – 22,431.

Sa totoo lang, halos matatagpuan ang mga OFW sa mahigit 200 bansa.

KATUMBAS SA AGRIKULTURA

Ayon sa National Economic Development Authority, may 9-milyong magsasaka, mangingisda at nagtatrabaho sa kagubatan noong 2010.

Para naman sa Philippine Statistics Authority, 14-M ang mga ito nitong 2013.

Mas marami lang ng halos nasa dalawang milyon ang bilang ng mga ito kumpara sa OFWs.

Pero Kung pagkumparahin ang kanilang kontribusyon sa sinasabing Gross Domestic Product, halos pareho sila sa halagang kulang-kulang sa P1 trilyon taon-taon.

Ang GDP o halaga ng produkto at serbisyo na nagawa sa loob ng isang taon ay umaabot lang sa nasa P8-trilyon batay sa mga rekord ng gobyerno sa mga taong 2012-2013 at rekord din ng World Bank.

Kung pagsasamahin ang kontribusyon ng mga ito sa pag-unlad ng Pilipinas, katumbas ito ng halos pambansang badyet na P2.268-trilyon.

Ganyan kalaki ang kontribusyon sa pambansang ekonomiya ng mga OFW, magsasaka, mangingisda at obrero sa kagubatan.

Halos kapat ng GDP ang halaga ng produksyon at serbisyo na kanilang nililikha.

Mahigit sa kalahati ng kabuuang bilang na 48-M ang bumubuo ng mga ito.

BALIK-OFW

Ibalik natin ang usapang OFW.

Ayon sa isang paniniwala na may matibay namang batayan, bukod sa malaking kontribusyon ng mga OFW sa pambansang ekonomiya, nanggagaling din sa kanila ang dolyar at iba pang salaping internasyonal na ginagamit ng pamahalaan sa mga transaksyon nito, lalo na sa pakikipagkalakalan at gastos nito sa paglalamiyerda ng mga opisyal.

Salbabida nga ang mga OFW ng pamahalaan sa mga araw ng kagipitan.

Ang mga pamilya-OFW, sa bisa ng mga remittance, ang nasa rekord na talagang bumubuhay sa ekonomiya ng bansa. Sila ang malakas na bumili ng mga produktong kailangan sa pabahay, gamit sa loob ng bahay, pang-eskwela, pangtransportasyon, kusina, ospital, kasuotan at marami pang iba.

Ibig-sabihin nito, umaandar ang mga sari-saring pabrika sa mahal kong Pinas dahil sa mga OFW.

Hindi mapantayan ng mga lokal na obrero ang kapasidad o kakayahan na gumastos ng mga OFW.

Isipin na lang na may limang milyong istambay na obrero sa Pinas, puwera pa ang tinatayang nasa pitong milyong kontraktuwal.

Kapag pinagsama ang mga istambay at kontraktuwal at milyon-milyong magsasaka at mangingisda, lumalabas na ang mga OFW ang may higit na panggastos kaysa sa iba at dito malinaw na umaandar ang ating ekonomiya dahil sa kanila.

GIYERA AT KALAMIDAD

Tinatalakay natin ang lahat ng ito, mga Bro, sa harap ng kapabayaan ng pamahalaan sa mga OFW.

Kapag may giyera sa ibang mga bansa gaya ng naganap na sa Jordan, Libya at ngayo’y sa Iraq at Syria dahil sa bagong grupo ng mga militante na gustong sumakop sa mga bansang ito, anak ng pitong putakte, bantulot na bantulot na kumilos ang pamahalaan para protektahan ang mga OFW.

May iba pang mga problema rin gaya ng paglaganap ng ebola virus sa West Africa at ng Corona Virus sa Saudi Arabia at mga kalapit nitong bansa.

Dala man lang aksyon ang pamahalaan upang itakas ang mga OFW sa mga delikadong kalagayan hanggang sa maabutan ng delikadong kalagayan at disgrasya ang mga OFW.

Higit na pinipili ng pamahalaan na manatili ang mga OFW sa mga delikadong kalagayan kaysa pauwiin ang mga ito sa bansa.

Napakabigat isiping magaling lang ang pamahalaan sa pagtanggap ng mga remittance at dolyar ng mga OFW pero hindi ito maaasahan sa pagtatanggol sa kanila sa kapahamakan at pagtataguyod ng pag-unlad ng mga ito kapag nasa bansa naman sila.

PANAHON NG PAGKALINGA

Dapat na maramdaman ng mga OFW ang pagkalinga sa kanila, lalo na ang pamahalaan.

Sa totoo lang, bagama’t programa ng pamahalaan ang pag-export ng lakas paggawa at makikita nga sa mga OFW, dapat nitong isipin na ang pag-aabroad o pagiging OFW ng mga mamamayan ay tulong na rin sa pamahalaan sa problema nito sa empleyo sa bansa.

Maano bang kupkupin ng pamahalaan ang mga ito nang todo sa oras ng kagipitan, gaya ng giyera?

oOo
Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

The post OFW’S, KALINGAIN NANG TODO appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>