Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SI MR. PADJAK AT SI MR. NOTED

$
0
0

deep friedBAGO na ang ka tandem ni Mar Roxas sa kanyang kampanya sa pagka-Pangulo ng bansa.

‘Yan ay walang iba kundi si Kiko Pangilinan na bago talagang presidential assistant secretary ng food security at agricultural modernization.

Silang dalawa ang bagong pambato ng Liberal Party sa pagka-Pangulo at Pangalawang Pangulo natin.

Si Roxas ay kilala sa kanyang padjak television election commercial na hindi pinatulan ng mga botante.

Si Kiko naman ay nakilala sa pagiging si Mr. Sharon Cuneta sa huling nakaraang eleksyon. Pero mas higit diyan, sumikat siya, at kinamuhian ng iba, sa kanyang Mr. Noted na papel sa Congress.

Batang Gloria si Kiko na walang ginawa kundi harangin ang protesta ni Da King FPJ laban kay Arroyo na nakakulong ngayon sa Veterans Memorial Hospital.

Ang tandem nilang dalawa ay kitang kita sa kampanya ni Mr. Padjak at Mr. Sharon Cuneta otherwise known as Mr. Noted laban sa rice overpricing.

Silang dalawa ay buong tapang na sumama sa raid laban sa mga rice hoarder at price manipulator. Nakahuli sila ng mga sako-sakong bigas NFA na sinilid bilang commercial rice.

Pero nasaan ang mga mastermind ng price manipulator? At nasaan ang mga kakutsaba nilang mga opisyal at kawani ng National Food Authority?

Moro-moro lang yata ang mga raid na ito at ang kanilang mga anunsyong bumababa na ang presyo ng commercial rice. Taliwas ito sa tunay na sitwasyon.

Baka mapuno na ang salop at hindi na sila tanggapin ng mga botante.

Ang tandem naman ni Jojo Binay at Chiz Escudero ay isina sangkot sa DAP o disbursement acceleration program na maaaring maging dahilan na hindi sila manalo sa susunod na eleksyon.

Eentra na kaya si Grace Poe, ang anak ng original na panday? At maka-tandem kaya niya si Ate Vi na, ayon kay Kris, na dating shota ni Herbert at iba pa, ay mali-mali ang Ingles?

The post SI MR. PADJAK AT SI MR. NOTED appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES