Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PNOY, IGNORANTE NA, NAGKAMALI PA!

$
0
0

burdado-jun-briones2MASISIRA ang ulo mo, parekoy, kung pakikinggan mo ang mga nag-aaway-away ukol sa Disbursement Acceleration Program.

Heto ang ilan sa mga maririnig mo.

Ayon kay Fr. Joaquin Bernas, ignorante si PNoy sa Konstitusyon ng Pinas at ang pagiging ignorante ay hindi basehan ng impeachment.

At ano nga ba ang mga basehan ng impeachment?

Culpable (intensyonal) violation of the Constitution, graft and corruption, bribery at betrayal of public trust.

Hindi nga kasama ang pagiging ignorante.

Pero hindi ba delikado ‘yang pamunuan tayo ng ignorante sa Konstitusyon?

Hak, hak, hak!

Ito namang si Sen. Allan Peter Cayetano ay nagsasabing kung nagkamali man si PNoy sa DAP, honest mistake lang iyon.

Walang intensyong gumawa ng krimen o anomang kalokohan.

Eh ‘yung pagbibigyan ka ng P50-milyones na DAP para bumoto ka sa pagpatalsik kay ex-Chief Justice Renato Corona, honest mistake ba iyon?

Itong si Alan, eh, kasama ng kapatid niyang si Pia na tumanggap din ng P50-milyones na DAP. Kita n’yo, parekoy? Hak, hak, hak!

HIndi tayo ang nagsasabi na nagkaroon ng suhulan kaugnay ng impeachment.

Si Jinggoy na naglarawan sa milyones na DAP bilang insentibo pero sa likod ng kanyang salita ay suhol.

Sabi naman ni Speaker Sonny Belmonte, walang pananagutan ang sinoman sa DAP dahil hindi ito retroactive.

Hindi raw sinasabi ng Supreme Court na habulin ang mga nagbigay at tumanggap ng DAP.

Pero ano ‘yung sinasabi sa huling mga pahina ng desisyon na may pananagutan ang mga author, proponent at implementor sa DAP pero sisipatin ito ng kaukulang tribunal?

Bumaliktad naman daw ang mundo ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda nang sabihin sa desisyon na magagamit ang doctrine of operative fact sa DAP.

Sa doktrinang ito, hindi na pupwedeng pagbabawiin pa ang mga proyektong pinaggamitan ng pondong DAP pero nakapagtataka umanong pinananagot ang mga author, proponent at implementor ng DAP.

King-ina, tama lang ang SC sa pagsasabing forget the sin but not the sinner.

Gusto niyo malibre kayo sa pananagutan? Belaaaat!

The post PNOY, IGNORANTE NA, NAGKAMALI PA! appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>