BINUKSAN ng Social Security System (SSS) ang bagong sangay nito sa Brgy. Wakas, Bocaue, Bulacan noong Hunyo 26. Matatagpuan ang SSS Bocaue sa gilid ng McArthur Highway, ang SSS Bocaue ay nagbibigay ng maayos na serbisyo sa mahigit 2,500 na employers at mahigit 23,000 mga miyembro nito gaya ng mill workers, embroidery makers, furniture builders and fireworks manufacturers, dahil madali na itong puntahan gamit ang pampublikong sasakyan.
Bahagi ng patuloy na paggawa ng maayos na serbisyo ng SSS ay ang pagbukas ng bagong sangay at marami pang sangay, upang palakasin ang pagdadala ng serbisyo sa lumalaking bilang ng mga miyembro ng SSS.
Ang Pangulo ng SSS at Punong Opisyal ng Ehekutibo na si Emilio de Quiros, Jr. kasama ang bise-gobernador ng Bulacan na si Daniel Fernando ang nanguna sa pag-ribbon-cutting nito na sinaksihan nina SSS Vice President for Luzon Operations Group Josie Magana, SSS Bocaue Branch Project Officer Justina Tanedo, SSS Luzon Central Division Head Vilma Agapito, at si Commissioner Ibarra Malonzo, na kumakatawan sa sector ng manggagawa sa Social Security Commission.
-oOo-
SUGAT SIGURADONG MAGAGAMOT AT HINDI NA MAPUPUTULAN ANG PAA
Ang DR. JAMES G. DY WOUND HEALING & DIABETIC FOOT CENTER ay itinatag ni Dr. James G. Dy, noong June 3, 2011 sa Medical Arts Building ng Chinese General Hospital and Medical Center, pag-aari at pinatatakbo ng Philippine Chinese Charitable Association, Inc.
Mula noong 2011 hanggang 2014, ay mahigit nang 1,142 pasyente na ang napagaling sa pamamagitan ng Hyperbaric Oxygen Chamber. Nakatanggap ng sertipikasyon at pagkilala bilang “International Diabetes Federation in Western Pacific Region” ang Dr. James G. Dy Wound Healing and Diabetic Foot Center.
Nais kong batiin si Dr Luinio S. Tongson, Rachell Angela C. Evangelista, John Lerry P. Tan, Danielle Loius Habawel at Mr. Robert Yang.
The post BINUKSAN NG SSS ANG BAGONG SANGAY SA BOCAUE appeared first on Remate.