Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAANO MAPIPIGIL SI BINAY?

$
0
0

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEBHANGGANG ngayon ay hindi pa rin nakaiisip ng paraan ang kampo nina DILG Sec. Mar Roxas, Senador Allan Cayetano at Senador Bongbong Marcos kung papaano nila malalampasan ang bango ni Vice President Jojo Binay sa tao.

Ito kasi ang pag-aanalisa ng mga political observer ng bansa lalo’t umangat pang lalo si Binay sa pinakahuling Social Weather Station (SWS) survey na isinagawa noong huling linggo ng Marso.

Malinaw sa resulta ng SWS survey na sa kabila ng paninira sa Mar Roxas group o ng LP at ni Allan Cayetano ng NP, na halatang gustong-gustong maging Pangulo ng bansa na walang epekto ang mga demolition job na kanilang isinasagawa.

Kitang-kita sa +73 rating nito o may katapat na 82-porsyentong satisfaction rating ang pagmamahal ng publiko na kung saan kulelat naman ang pambato ng LP at NP.

Halatang-halata rin na hindi na matitinag si Binay ng anomang paninirang ibabato sa kanya ng kanyang mga kalaban kahit pa nagsimula nang magpapogi si Allan Cayetano sa ads sa telebisyon na kung saan ginaya lang nito ang gimik ni Binay noong 2010.

Nag-iisip na rin ang tao sa ginagamit na pera ni Cayetano sa kanyang anunsyo sa TV dahil kitang-kita naman na mayroon itong halong pulitika.

Gulangan ang laro ng pulitika kaya mukhang dito angat at eksperto itong pambato ng Taguig kaya’t dito dapat mapagmasid ang taumbayan.

Malayo pa ang 2016 kaya tiyak na marami pang lalabas na paninira kay Binay at iyan ang kaabang-abang dahil iyan ang inaantabayanan ng mamamayan.

o0o

Natutuwa ba talaga ang mga tao sa Taguig sa administrasyon ng mga Cayetano?

Ito ang dapat pakaisipin ng madlang pipol dahil posibleng ang nasabing anunsyo ng pagpapapogi ng mag-asawang Allan at Lani Cayetano ay isang behikulo lamang para makakuha ng pag-angat sa rating ng pulitika.

Dapat magsalita ang mga taga-Taguig sa tunay nilang estado dahil kung papogi lamang ang gimik na ito ni Mang Allan ay kawawa naman ang taumbayan na siyang magdurusa kapag naghalal muli ng palpak na Pangulo.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>