Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

LOTERYA NG BAYAN BUWAGIN

$
0
0

IPINABUBUWAG na ng mga kongresista ang Loterya ng Bayan.

Matapos manawagang ipagbawal ang operasyon ng ibang ligal na sugal sa buong bansa, isinusulong na nina Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez at Abante Partylist Rep. Maximo Rodriguez, Jr., ang pagbuwag sa Loterya ng Bayan.

Ang Loterya ng Bayan ay front lamang ng mga gambling operator at gatasan naman ng mga matataas sa pulisya at opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay retired Bishop Oscar Cruz, ang Loterya ay ginagamit para sa gambling operations dahil ang taya sa illegal numbers game at kinikita nito ay mas malaki pa sa ligal na loterya.

Naaalala natin na kaya nilikha ang Loterya ng Bayan ay upang masugpo ang isang iligal na sugal.

Pero ngayon, dahil sa Loterya ay nagkaroon lang ng pang-cover up sa kanilang illegal activities ang mga jueteng lord.

Sa isang lalawigan sa Luzon, halimbawa, ay napakalakas lakas ng pasugal ng ilang gambling lord.

Nakapaloob sa panukalang pagbuwag sa Loterya ang pagdedeklarang ito ay iligal at pagbawi sa lahat ng prangkisa na pinasok ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga operator dito.

Ang PCSO ang nagpasok ng loterya ng bayan sa bansa noong 2013 upang labanan ang mga iligal na pasugalan at makatulong sa koleksyon ng gobyerno subalit taliwas ang nangyayari.

Ang namumunini lang sa loterya ay ang mga kilala ring gambling lord, lalo sa mga rehiyon na protektado ng ilang government at police official.

May mga police at government official na umaakto pang financier-operator kung hindi mga protector-coddler.

May ilan namang gambling lord na naging political warlord ‘pagkat ginagagamit nila ang kanilang limpak-limpak na salapi para manalo sa eleksyon.

Ang mga illegal gambling activities na napakalaking salot sa moralidad ng sambayanang Pinoy at sa paglago ng ekonomiya ay nagkalat at talamak sa maraming bahagi ng bansa. KANTO’T SULOK/Nats Taboy


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


Tropa Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Tagalog Love Quotes – Nagmamahal


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>